BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, June 09, 2006
Galera - Love at Second Sight
06.04.06
Hitik na hitik at puno ng aksiyon. Yan ang nangyari sa muling pagbabalik ko sa Puerto Galera.
First time I was here was year 2000 kasama ang Metanoia Choir pero dalawang araw kami nun kaya hindi kailangang magmadali. This time, officemates from PS ang kasama ko (co-agents, supervisors and QA) and knowing how erratic our shedule is, pinagkasya at ipinagsiksikan namin sa isang araw ang lahat ng activities.
Ayoko sanang sumama nung una kse anim lang kami (Me, JM, Vivi, Tata, Richie and Chaq) pero nakatango na ako kaya go pa rin. Kung hindi pala ako sumama, isang malaking pagsisisisi dahil sobrang enjoy. Oo nga't anim lang kami pero dahil makukulit, parang isang dosena na rin.
The Friday Group (Richie, Vivi, Tata, Chaq, JM and me) onboard M/B Brian
Isang oras pa lang kaming nakaka-landing sa Galera eh may nakuha agad na room at nakakontrata agad na boat for snorkelling. Iba'ng klase pag may kasama kang Galera native (Chaq, ikaw ba yan?)
Our room
Super enjoy kami sa snorkelling. Never mind yung mga pangangati, gasgas at pasa (yes, nagkapasa ako pero dahil na rin sa carelessness ko!) ka-jamming mo naman ang iba't-ibang klaseng isda! Iba pala ang feeling pag may interaction ka with nature. Kakaibang high!
Another highlight ng trip ay ang massage session not from the authorized Galera masahistas kundi mula kay Mang Kepweng (Mang Keps for short) na mas kilala sa pangalang Sup JM. Nakalibre na kami ng tig-P150, kakaiba pa ang sensation na dulot ng mahiwagang kamay ni Mang Keps.
Mang Keps in Action (with Pranic healer Tata)
Ihaw-ihaw dinner naman kami after the massage session. Sarap ng kebab (hindi ba kay Bob?) ensaladang talong, pork sinigang at liempo! Pagkakain, videoke. Tig-isang kanta kami: Till you take my heart away from Tata, Tattooed On My Mind from Chaq, Wherever You Will Go for JM, Till My Heartaches End for Gina at Crazy for You from Vivi. Hindi nakakanta yung isa dahil nag-bouncer. Muntik na kaming umalis nang hindi nakakanta dahil kinamkam ng kabilang table ang microphone. Di bale sana kung kagandahan ang boses eh parang nagbabalagtasan!
Arya, JM!
Mula sa ihaw-ihaw, nag-stroll kami sa beach para pababain ang kinain. Iba pala ang hitsura ng Galera by night. Ang mapanghalinang dagat ay tila isang maitim na kulambo. Kakatakot!
Bagama't low batt na ang karamihan, nakayanan pang mag-Mindoro Sling. Well, yung 5 nakayanan pero mukhang hindi ako dahil nakatulog ako sa puwesto!
Pinakamalakas uminom at magyosi
Kung inaakala nyong natulog na kami pagbalik sa room, nagkakamali kayo. May hulaan pang nangyari courtesy of Richie. Pang-lovelife lang naman ang kayang basahin ng baraha pero tama lahat ang hula. 3 out of 3. 100% conversion!
Si Richie at ang mahiwagang baraha. JM, wag paapekto!
10:00 am kinabukasan, after a hurried breakfast at shopping, lulan na kami ng M/B Brian. Isang oras bago makarating ng Port of Batangas, nakakita pa kami ng flying fish at may bonus pang dolphins! Maloka-loka si JM. Suwerteng na-capture ko sa video ang mga dolphins pero malas namang nabura ko. (How stupid of me!)
Hay, never thought the second time would be better. Kailangang bumalik para makunan ulit ang dolphins. Hmp!
Binalibag Ni Choleng ng 8:05 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin