BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, June 16, 2006
On Cars and Mailboxes
History in the making! 2 movies in a week at petsa de peligro pa. Wala eh. Can't say NO to friends, associates and delegates. Mainam din naman sa isang banda dahil nakakabagot din yung trabaho-bahay-trabaho routine. Kailangan maging "kaladkarin" din si Choleng paminsan-minsan. Kesehodang "kupitan" ang contingency fund!
First Movie: Cars. Oo, animated sya at puro kotse ang makikita mo mula bida, kontrabida, extra hanggang insekto (oo langaw na mukhang kotse!) pero akalain n'yong napukaw nito ang iba't-ibang emosyon ng manonood? (Well, if it's Pixar, it must be good!) Nakakatawa at nakakaiyak (oo, pinaiyak kami ng kotse!) simply because it's a story of life.
Lesson learned: Winning is not everything, it's how the game is played.
"Winning is something, but not everything. When a winner loses, it gives them something to relate their wins to. If you never lose then there is no reference point, no value in the win. It's just another one. And you also learn more from mistakes than from an error free life."
Christopher Woods, Mt Victoria, NSW, Australia
Second Movie: Lake House. Kakaibang plot dahil ngayon lang yata ako nakapanood ng magsing-irog na oo nga't parehong US citizen eh nasa magkaibang time zone naman. Medyo nakakalito ang movie dahil si babae ay nasa 2006 at si lalake ay nasa 2004 at ang mode of communication nila ay ang mahiwagang "mailbox." Naku, kung isa lang ito sa episode ng Maala-ala Mo Kaya, pihadong "mailbox" ang title nito pero "Lake House" gusto nila eh di sige.
Daming kilig moments dahil bida ang super crush kong si Keanu pero hindi masyadong naligayahan si Doc Dex because according to him, very Filipino ang plot. Hindi kataka-taka dahil remake ito ng Korean movie na "Il Mare." Asian!
Lesson learned: It's better to wait. (Di ba, Doc?)
"All good things arrive unto them that wait - and don't die in the meantime"
Mark Twain
Next week, ang muling pagsasahimpapawid ni Superman ang naka-schedule panoorin. Can't wait to see Brandon Routh in his full glory. Mahigitan kaya nya si Christopher Reeve? I bet kse bata siya, sariwang-sariwa at higit sa lahat, hindi siya piki.*
Lesson learned: Hail, BJ Routh! (Clio, awat na!)
*pikĀ“i' adj. knock-kneed
Binalibag Ni Choleng ng 6:46 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin