BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, July 17, 2006
Madre Y Padre
07.16.06
Call it coincidence pero sa loob ng isang araw, dalawang movie ang napanood ko na imbes na maging bida ang taong-simbahan ay naging kontrabida pa ...
Kasalanan ng pagmamaganda ng bagyong si Florita, naunsiyami ang plano kong magpagupit at magpa-foot spa. Sa inis, pinanood ko na lang ang nakita kong kakalat-kalat na DVD.
The Nun, isang horror movie tungkol sa isang madre na dahil sa kanyang "kasungitan" at ugaling ewan ay pinatay at ibinalibag sa pond ng limang alaga nya. 18 years after, bigla nyang naisipang bumalik at pataying isa-isa ang mga pobre in such a way na kung pano namatay ang kapangalan nilang santa, ganun din sila. So, merong nasunog, na-bake sa oven, nagilitan, na-crucify (St. Eulalia?), napugutan ng ulo (St. Susan daw) at naputulan ng dalawang kamay. (Hmmm ... gusto ko tuloy mag-research ng tungkol sa saints)
Naisip ko lang, di ba dapat pag madre larawan ng kabanalan, dapat mabait at malumanay, marunong magpatawad at hindi nagtatanim ng galit? Eh bakit vindictive ang madreng ito? (Eh kse nga psycho) Ah, ewan. Horror ito di ba? (Panoorin nyo, showing pa siya sa pinakamalapit na tyangge)
Spoiler: Actually, hindi naman ang Nun talaga ang actual na pumapatay. How can she eh patay na nga siya. Capable ba ang kaluluwa na manggilit ng leeg, mang-crucify at kung anu-ano pa? For some reason beyond explanation, sinapian ni Sister Ursula (The Nun) ang anak ni Mary (si Eve) para maisagawa ang katuparan ng kanyang misyon. Ano yung misyon? Gandang mission-vision nito: Purify the world of its sins through physical and emotion punishment and torture. Yeah right. Kaya siya tsinugi! Tanungin nyo kung sino ang ama ng anak ni Mary. Si Father Miguel! Segue to the next movie ...
Bago matulog, ugali kong ipirmi ang TV sa isang channel tapos ise-set ko ng 30 minutes ang "sleep" para makatulog man ako, magkukusang patayin ng TV ang sarili nya but not tonight. Hindi ko nagawang matulog sa El Crimen de Padre Amaro, featured movie sa CinemaOne. (Channel 32 sa amin, ewan ko sa inyo)
Spanish ang movie pero dahil CinemaOne nga, naka-dub ng Tagalog ang dialogue. Halos bandang dulo na ng movie ang naabutan ko pero napukaw pa rin ang atensiyon ko. Bakit ba naman hindi eh sobrang guwapo ng gumanap ng Padre Amaro at san ka nakakita ng priest na "nakikipaglaplapan" sa isang dilag? Pardon the word pero yun talaga ang angkop na salita.
Sobra akong naeskandalo sa ilang eksena. Kaya pala muntik nang hindi maipalabas ito.
Eto ha, san ka nakakita ng ginawang lover's lane ang kumpisalan at eto pa: Imagine, naka-panty at bra lang si babae at half-naked si Father (oh, yeah) sukat ba namang ipasuot ni Father sa babae ang kapa ni Virgin Mary (donation ng isang parishioner) and he even said na mas maganda pa raw ang babae kay Virgin Mary. Adding insult to blasphemy, still wearing the kapa eh muli silang nag-tooooot!
Mas nakakaeskandalo nang mabuntis ang babae. (Yes, Father-buntis-ako ang drama) at dahil mas mahalaga kay Father ang vocation at reputasyon nya, napagkasunduan nilang "ipalaglag" ang bata! OMG! Pari ba ito o Pare?
Gusto kong mapanood ng kumpleto ang pelikulang ito. Sana ma-feature ulit sa CinemaOne para mapanood ko ulit. Hmmmm ... makahanap nga sa DVD... DVD... DVD ...
Binalibag Ni Choleng ng 7:18 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin