Inside Rialto ... hanggang sa loob ba naman kodakan pa rin?
Mula Rialto, ang nakakagising ng dugong Rio Grande Rapids ang sinubukan namin! Naku, basa kung basa ka pala sa ride na ito kaya kung plano nyong sumakay dito, magbaon ng kapote o dili kaya magbaon ng extra'ng damit. Kumpleto ha, pati na rin underwear!
Bilog ang balsa at hindi mo talaga alam kung alin ang puwestong hindi ka mababasa. Sinuwerte naman akong mapaupo sa side na nabasa na lang nung bandang huli na ng ride. Si Doc at Oko "nag-shower" pero pinakakawawa si Jett dahil siya talaga ang napuruhan ng tubig. Wet look!
After Rio Grande ... mga Basang Sisiw
Para magpatuyo, nag-Flying Fiesta kami nina Doc, Kathy at Oko. Ayaw ng iba at nakakahilo raw. Hmp! Kaya pala ayaw sumama ni Clio k'se makikipagtagpo sa "ex" nya.
Sino? Eto ...
Long lost dyowa ni Clio. Hanep ... basang-basa!
Walang talaga kaming oras na sinayang kaya segundo lang ang pagitan from one ride to another. Kailangang sulitin ang limandaang piso, noh! 'Pag may uupo-upo, tinatahulan ko talaga! (Tandaan: Pag tumanda na kayo, hindi nyo na magagawa ang mga 'to ... ako "matanda" na pero nagagawa ko pa rin ... hehehe ...)
Sunod naming sinakyan ang Wheel of Fate. Takot na takot sina Kaye at Clio pero si Doc, enjoy na enjoy at inikot-ikot pa ang lantern (ulangya!). Kung si Clio dinaan sa pananahimik at pagyapos sa poste ang takot, si Kaye tinalakan nang tinalakan si "kuya," the operator.
Wheel of Faint ... mamatay-matay kami sa nerbiyos pero si Doc "... look, Ma, no hands." (Right) Sa takot ni Kaye, nag-text na lang. Takot pa siya nyan huh!
Laging mahaba ang pila sa Dodgem pero this time, dahil kokonti ang tao, naka-2 rounds kami. Ganun din sa Roller Skater. Unang sakay nga namin, 1 person per wagon. Nagtititili si Doc na parang pinuputulan ng ano ... Dami tuloy sumakay pagkatapos namin. Nainggit!
Mga pa-cute sa Roller Skater
Nag-take 2 din kami sa Anchor's Away. Ang saya-saya dahil 6 lang kaming sakay -- ako, si Kaye and Kathy sa kabilang side; Clio, Doc and Oko naman sa kabila (girls and ... girls?) Muli, kuwelang-kuwela si Doc dahil sa tuwing tataas yung side nila, inaangat ba naman ang shirt. Nung second round, naghubad na talaga!
Nag-enjoy din ang lahat sa Bump N' Splash puwera ako dahil ilang beses namatay ang makina ng boat ko. Napagod nga ang "crew" sa kare-"rescue" sa akin. Hay, naubos ang oras na wala akong nagawa kundi panoorin sila sa pagbababanggaan. Soli bayad!
Sasakay na dapat kami sa Swan Lake pero sabi ng crew, manood muna kami ng fireworks na magsisimula na kaya gora kami. Maganda at spectacular pa rin kahit umaambon kaso tinalo nang babaeng ngumagawa sa videoke machine ang "Everyday, everyday the magic is here ..." theme song ng EK. Saktong natapos ang fireworks display, tapos din ang hitad at akalain nyong 100 ang score nya! Kapal ng mukha. Daming oras na kakanta bakit sinabay pa sa fireworks!
Pagkatapos ng fireworks, balik kami sa Swan Lake pero mga 10 minutes pa lang yata kaming nagpe-pedal ni Kathy, bumalik na kami sa daungan. Nakakapagod at wala kaming balak na magkorteng bulilyo ang legs namin, noh! Pang-asar ang crew, sabi pa "please ride again." Nakatikim tuloy siya ng talak na "hindi na!" mula kay Kaye.
Bilang pang-finale, sinakyan namin ang pinakanakakatakot na ride ng EK - ang Grand Carousel. Grabe, ang kukulit ng mga bata ... este, isip bata.
Mga isip-bata sa Grand Carousel
Kung susumahin, sa loob ng halos apat na oras lang, nasakyan namin ang lahat ng rides puwera Condor at Up, Up and Away. Sulit na rin.
Pauwi na lang, may huling hirit pa ng pakuwela pa si Doc. Eto yun:
Kathy, pagbigyan mo na si Doc!
Kung inaakala n'yong tapos na ang adventure namin pag-alis ng EK, nagkakamali kayo. May continuation pa.
Wala ng bus paglabas namin ng Enchanted Kingdom kaya sumakay na lang kami sa mga nakapilang tricyle at nagpahatid sa terminal ng jeep biyaheng pa-Alabang. Mula Alabang, lipat naman kami ng bus na dahil ordinary lang at paspas magmaneho ang driver, muntik nang nabunot ang buhok ko at muntik na ring natungkab ang contact lens ko sa lakas ng hangin. Sobra ring lakas ng volume ng stereo na sobra namang ikina-enjoy nila Doc and Oko. Aba, nag-sing along pa -- feel na feel at full volume ang "Just Once!" Pasalamat na lang at hindi pinatay ng driver ang radio at hinayaang sila na lang ang pinakanta. Dyahe!
Pasado alas-dose na ako nakarating ng bahay, gumising ng 3:30 AM dahil may duty at heto, tutuka-tuka ako sa trabaho pero okay lang. Nag-enjoy naman eh. Magdusa ako!