<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, August 20, 2006

Wish ko lang!
Noong una, wala akong interes na panoorin ang Deal or No Deal dahil tingin ko hindi siya kasing-informative ng Game KNB? tapos sobrang arte pa ni Kris tuwing magtu-two thumbs up sign (Deaaaal ...) sabay sideview tapos may-i-ilandang pababa ng kamay mula sa saglit na pagkakakrus (or No Deaaal...)

Kabuwiseeet!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Deeeaaal or no deeeaaalll ... Agh!

Pero dahil iyon ang palaging pinapanood ng nanay ko tuwing dinner, no choice kundi makipanood. Sorry na lang ako, naka-glue na sa channel 2 yung TV sa kusina!

Sa kapapanood, nakahiligan ko na rin at ngayong naintindihan ko na ang mechanics (dati nagtataka ako kung bakit piso na nga lang ang laman ng briefcase eh tuwang-tuwa pa sila), nae-excite na ako kada bukas ng maleta courtesy of 26K at naaaliw na rin ako sa sense of humor ng "banker" na hanggang sa ngayon ay nananatiling nakatago ang pagkatao (in fairness, mukha namang Papa-material base sa silhouette). Hindi ko lang talaga nae-enjoy ang dance number ng 26K (siguro dahil naiinggit ako sa alindog nila) pati na rin ang nakakairitang Deal Or No Deal stance ni Kris.

Photobucket - Video and Image Hosting
26K (I can think of 26 words that could stand for K pero wag na lang ...)

Iba't-iba ang pagkatao ng contestants, iba't-iba rin ang dahilan kung bakit sila sumali pero iisa ang layunin - ang magkamal ng limpak-limpak na salapi.

May suwapang, may segurista, may takot, may palaban. Kung ako ang sasali, may naisip na akong reason for joining the contest. Sasabihin kong para sa annulment ko sabay kuwento ng mapait kong nakaraan na alam kong ikatutuwa ni Kris dahil maurirat ang hitad na yan. Hah! First time na yan ang rason pag nagkataon!

Pero hindi magkakaroon ng katuparan yan dahil unang-una, hindi naman ako nagte-text para sumali at sa tingin ko, mas may higit pa ang pangangailangan kaysa sa akin kaya hayaan na lang natin sila.

Dagdag kaalaman? Punta kayo rito:

http://en.wikipedia.org/wiki/Deal_or_No_Deal
http://en.wikipedia.org/wiki/Kapamilya,_Deal_or_No_Deal

Binalibag Ni Choleng ng 8:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com