BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, August 13, 2006
ConVerrrrrrsion!
08.07.06
After 2 years and 5 months, nakaramdam ako ng inis sa account ko!
Nagsimula ang lahat nang malaman kong instead na PRIO1 ako sa isang account eh BackUp na lang ako at kahit ibinalik ako ng direct supervisor ko sa PRIO1 eh pilit pa ring ibinabalik sa BackUP. Ibinase raw sa "conversion."
So, ako na halos haligi na ng account na ito pang-back up na lang?
Sa hindi familiar kung ano ang conversion, ito yung number of sales over number of valid calls. Bilang ng benta versus bilang ng tawag. Under valid calls, kasali ang ang Customer Service calls, mga existing customers na hindi na puwedeng bentahan pa ng satellite service dahil existing na nga eh; mga orders na hindi natuloy dahil walang credit card ang customer o kung meron man, wala namang laman; o dili kaya may credit card nga at may pondo pero bagsak naman sa credit check at ayaw magbayad ng $200 para sa advanced programming deposit. Kasali rin dito yung nag-down ang system at wala kang magawa kundi patawagin na lang ulit ang customer na panigurado pag muling tumawag eh hindi na sa yo mapupunta ang benta.
Parang tukso naman na mula ng bumula ang bibig ko sa issue ng PRIO noong nakaraang Lunes hanggang ngayon, inaalat ako. Ang calls ko, kung hindi Customer Service, Credit Check Cancel (ayaw magbayad ng $200) Funds Unavailable o dili kaya system error.
Eh ano nga bang ipinagpuputok ng butse ko?
Simple lang ang tinutumbok ko. Madalas walang kapangyarihang pigilan ng isang agent ang paglagapak ng kanyang conversion. Alangan namang utusan mo ang customer na huwag tumawag kung wala silang credit card o kung mababa ang credit standing nila. Kung newbie siguro ako, masasabi na kaya hindi ako nakakabenta ay dahil weak ang rebuttals ko pero magtatatlong taon na ako rito. Siguro naman kung expertise din lang ang pag-uusapan, mas lamang ako di ba?
Hindi makatarungan na ibase ang lahat sa stats dahil hindi naman reliable yun. Numbers lang yan. Puwedeng imanipula, puwedeng doktorin. Ang skill, nade-develop yan. Built-in. Innate. Hindi puwedeng doktorin.
Teka nga, bakit ba ako nagsisintir at nagmamarakulyo eh ako na nga ang mapapahinga?
Honga!
Binalibag Ni Choleng ng 11:45 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin