BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, August 01, 2006
PaSUKOB naman!
Kung may sakit sa puso, hindi dapat panoorin ang Sukob. Hindi naman sa sobrang nakakatakot ang movie pero ang daming "panggulat" na eksena kaya kahit ayaw mong magpaapekto, wala kang choice kundi nerbiyusin.
Maganda ang plot at well-executed ang parallelism na ginamit sa eksena nina Sandy (Kris) at Diana (Claudine).
Iisipin mo sa simula na flashback ang eksena ni Diana at mapagkakamalian mo pang siya si Helen pero panggulo lang pala sa plot si Helen. Ang tunay na sukob ay ang walang kamalay-malay na magkapatid na sina Sandy at Diana na anak sa labas ni Ronaldo Valdez.
Medyo OA ang mga ipinakitang consequence ng "pagsusukob" sa kasal (o libing man) pero sige na nga, for arts sake at saka horror naman siya kaya sige lang.
Sa totoong buhay, wala namang family members na mamatay tapos sa halip na bangkay eh wedding paraphernalia ang makikita (i.e. belo, kandila, aras, cord).
Maraming kaso ng sukob pero wala namang masamang nangyari.
Ayon sa matatanda, kaya bawal ang "sukob" eh tila nagkakaroon ng rivalry o paligsahan ang estado ng buhay ng magkapatid na sukob sa kasal. Eh kahit naman hindi sukob di ba nangyayari rin ang ganito?
Para maiwasan na lang ang ungusan, huwag na lang. Ngayon kung nagkataong maganap ang tulad ng nangyari sa Sukob (ayan ha, hindi ko ganong kinuwento para manood kayo) purely coincidence na lang yun.
Eh bakit naman tayo "susukob?" Wala namang masamang sumunod sa pamahiin, di ba?
Makisukob sa payong, puwede pa. Nyeeeh! (Going bulilit ... going bulilit...)
Binalibag Ni Choleng ng 8:13 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin