BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, September 27, 2006
Slippery when wet
09.26.06
Akalain nyong nadulas ako sa pantry pero himala nang himala, hindi ko nabitawan ang dala-dala kong mug, hindi natapon sa akin ang lamang kape at hindi rin ako nasaktan. (Sige na nga, konti lang pero nawala din ang sakit ng balikat ko the next day! Take note, balikat ang sumakit at hindi wetpaks!)
Nawalan nga lang ako ng poise at katawa-tawa ang hitsura kong nakaplakda sa sahig habang hawak pa rin ang mug. Hay, buti na lang ulit, 3 lang ang witness -- yung utility, si Brian saka yung ehem niya. (Naku, Brian. Lalo akong nagmukhang tatanga-tanga sa paningin mo!)
Hmp! Kasalanan ng glass slippers ko 'to. Sukat na doon tumapak sa may basa, hayan nagtihaya tuloy ako.
Naisip ko lang ... kaya siguro slipper ang pangalan ng slipper ... k'se it will make you slip ...
Naisip n'yo ba yun?
Binalibag Ni Choleng ng 9:33 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin