BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, October 24, 2006
Konsiyerto sa Hacienda Lucero
10.22.06
Alam ko team building ang okasyon pero tsura ng isang bar sa Malate ang tahanan ng mga Lucero sa galing ng mga performers na hindi naman po professional singers kundi mga hamak na fANNAtics at isang Party Timer.
Bago simulan ang "palabas," binigyan muna namin ng masusing atensiyon ang dining table kung saan nakaahin ang katakam-takam at higit sa lahat libre'ng food na mismong ang mapagmahal na asawa ni Anna ang nagluto (buti na lang hindi s'ya ... hahaha!)
Sino ba naman ang makakahindi sa fried lumpia, grilled pork at ang "orgasmic" na nilagang baka ni Jolex na tinernuhan pa ng malinamnam na pastillas ni Ram at nakapagpakalimot-ng-pangalang brownies at carrot cake ni Dana. Hay, sarap!
Nang mabusog, pinatahimik na sina Boy Abunda at Kris Aquino at isinet-up na ang Magic Sing.
Opening number si Ram at may naisip na kalokohan! Hindi ko pa nga na-gets nung una pero ito yun ... Habang kumakanta si Ram ng Eternal Flame, mula sa likuran nya, bigla kong sinambot ang next stanza tulad ng age old drama ng ASAP or SOP kung saan magugulat (kunwari) yung may birthday kse may surprise guest na biglang magpapatuloy ng kinakanta n'ya tapos ang loka, may-i-cover pa ng kamay ang bibig ... yakapan, iyakan ... ganung effect ba. So ayun ginawa namin kaya riot. Hagalpakan ng tawa talaga.
In fairness, all around performer si Ram. Mahihiya si Toni Braxton sa galing kumanta at "maglinis" ng carpet! Aba, may pahiga-higa pa pag birit part! Partida, may LBM pa yan. Pano ka kaya kung wala? Hindi lang Toni Braxton ang tinira nya, pati Bee Gees at Abba hindi pinatawad. Muntik nang bumangon sa hukay si Maurice Gibb!
Hindi rin nagpatalo si Bb. Fabugais. Oo nga't hindi kumakanta si Mitch pero siya naman ang official "Sing Along" girl (opo, taga-enter ng number at photographer ... PA?) at dancer. Ay, walang panama si Mystica at ang Whiplash Dancers!
Higit na gumanda ang "show" nang dumating si Dennis. Duet galore kami. Endless Love, Tonight, I Celebrate My Love, With You I'm Born Again, Islands in the Stream, Almost Paradise, lahat plakado. Pinakabongga ang "operatic" version ng Memories. Celine and Luciano, kayo ba yan? Hay, may napasigaw ng "Bravo!" at "Magnifico!"
Ay, ang saya-saya talaga! Kung puwede lang huwag nang matapos ang sandali pero hindi puwede dahil may pasok pa kinabukasan.
Bilang closing song, kinanta namin ang Joy to the World habang namimigay si Anna ng chocolates (caroling?) at ang encore number, siyempre ang rendition namin ni Ram ng pamosong Alone.
Anna and Jolex, maraming salamat sa accommodation at pasensiya na kung nadumihan ang "flawless" na sahig. (Ay, siyang tunay! Ang linis talaga. Puwede ka nang kumain sa CR at kahit dilaan mo ang sahig, wala'ng dumi'ng makukuha ... ganun!) Jolex, champion ang nilagang baka ... mapapaunga ka talaga sa sarap! Pakisabi nga pala sa may-ari ng Magic Sing papalitan ang gadget kse 93 lang ang score.
Ricky, Richie and Raymund aka Fly (3 R's): Kumusta naman ang team building within a team building n'yo?
Dennis, thanks for gracing our team building. Pangarap ko magkaroon din ang Party Timers at sana invited kami.
Dana, panalo ang brownies at carrot cake mo. Hoy, um-order kayo ha. Promise, sulit ang bayad nyo!
Len, next time dapat may production number ka na. Alam ko namang simpleng dance diva ka. Mina ikaw rin.
Joey, kahanga-hanga ang BF mo. Unang jamming pa lang pero he's like "one of us" na.
Ram, it's a pleasure to jam with you. Kahanga-hanga! Finally, nakakita ako ng makakabosesan. Isa kang tunay na alagad ng sining.
Mitch, keep on dancing! Aani ka ng tagumpay dyan.
Sana maulit pa ang ganitong karanasan pero wag lang yung parang sardinas sa isang taxi, ha. Maawa na tayo sa taxi driver na konti na nga lang ang kinikita tapos mapa-flat-an pa ng gulong. Magrenta na lang tayo ng sasakyan, ha!
Binalibag Ni Choleng ng 11:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin