<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, December 27, 2006

Tsk ... tsk ... tsk ...!
11.20.06

9:30 ng umaga ang usapan namin ng kaibigan kong si Ed at taga-Travel Desk (TD) na si LD na magkikita-kita sa office para sa aming DFA "appearance." Ang pagpoproseso ng passport eh isa sa mga benefits sa aming company. Hindi naman libre pero at least, sila na ang mag-aasikaso ng papeles. Sa kasamaang-palad, may inayos daw sa Swiss Embassy si LD kaya 10:15 na nakarating. Halos liparin tuloy namin ang Department of Foreign Affairs (DFA) makahabol lang sa appointment.

Photobucket - Video and Image HostingPagdating dun, laking tuwa namin ni Ed dahil dire-diretso lang kami sa gusali. Isip-isip ko, "Bongga, hindi na kami pipila sa mainit at masikip na court ...tsura ng prinsesa ..." pero agad na napalis ang ngiti sa aming mga labi nang malamang walang authenticated birth certificate sa requirements ni Ed na matay ko mang isipin eh sabay kaming nagbigay sa TD kasama ng ibang requirements. Wala raw, sabi ng TD. Ako lang daw ang makakapag-"appearance." Sa inis ni Ed, binawi ang mga papeles n'ya at siya na lang ang maglalakad.

Ako naman lihim na nagdiwang nang igiya ako ng liaison officer sa Appearance area. Naisip ko, "Yes, hindi nasayang ang leave ko." Saglit kong sinulyapan ang tila naluging Intsik na si Ed (at lihim na nag-"belat!") bago sumunod sa mama.

Sunod ako. Sunod. Sunod. Maya-maya, naging balisa ang ungas. "Ma'am, upo muna kayo dyan," sabay talilis. Upo naman ako. Hintay. Paypay. Pawisang bumalik ang mokong. "Ma'am, wala na po yung nagtatatak. Hindi natin nahabol."

Tiningnan ko ang relo. Langya, 11:00 AM pa lang, wala na ang lekat na magtatatak? Napalingon ako sa Window 1 ... Window 3 ... sa isa at sa isa pa. Aba, isa-isa nang naglalagay ng tabing ng mga kawani. Hanep din naman, 11:00 AM pa lang lunch na. Parang gusto kong mag-amok.

"Pano na yan?" Tanong ko kay LD. "Kung gusto mo lakarin mo na rin," sagot ng ungas. "Pila ka lang dyan sa court."

Huwaaat???

Lumong-lumong iniwan namin ni Ed sina LD at ang liaison officer. Nagpa-reschedule na lang ako sa Wednesday dahil ayoko talagang pumila and besides, "tatak" na lang ang kailangan at tapos na ko pero si Ed desidido'ng lakaring mag-isa ang passport - iyun eh pagkakuha nya ng NBI Clearance at panibagong kopya ng authenticated birth certificate. Napagod at nagastusan pa, bandang huli siya pa rin pala ang maglalakad.

Oo na, Ed. I-upper cut ko na si LD para sa yo.

Binalibag Ni Choleng ng 6:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com