<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, November 22, 2006

Araw ng mga Patay, Todos Los Santos ... whatever!
Photobucket - Video and Image HostingKung paanong naging Undas ang Spanish word na Honras na honors naman sa Ingles, hindi ko na alam at wag na nating problemahin kung bakit dahil patay na ang mga may kagagawan. Ang importante, isa siyang holiday, may dagdag na 30% sa mga may pasok at nagkakasama-sama pa ang pamilya.

Ilang taon na rin akong nagtatrabaho sa call center kaya sanay na akong pumasok nang holiday pero sa taong ito, suwerteng rest day ko natapat ang Undas kaya hindi ko man nakuha ang extra pay, at least naka-jamming ko naman ang pamilya ko.

Kakaiba ang Undas namin ngayong taon dahil after so many years, sabay-sabay kaming pumunta sa sementeryo. Dati, shifting ang pagpunta dahil hindi maiwanan ang tindahan. Sa wakas napagtanto ng mga folks ko na puwede namang magsara ng tindahan para makibahagi naman sa okasyon. (Naisip din!)

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
(L) Mom and Dad (R) Tet, Ellen, Jenny and Hajii

Hindi naman kami yung pamilyang kina-career ang Undas na mega-dala pa ng tolda, pagkain, sound system, dining table and all. Basta makadalaw kami, makapaglagay ng bulaklak, makatirik ng kandila at makatambay ng ilang oras sa puntod ni Ignacia at Cirilo (lola't lolo ko), puwede na yun. Alam naman naming pare-pareho na wala na sila dun noh!

Photobucket - Video and Image HostingDon't get us wrong.

Pinapahalagahan naman namin ang namayapang mag-asawa pero hindi sa paraang bunsod ng tradisyon. Ang Undas, minsan isang taon lang at aminin man natin o hindi, madalas eh nakakalimutang ang mga namayapa ang sentro ng okasyon. Ay, sila pa nga rin naman ang sentro kase yung nitsong bagong linis at pintura, ginagawang upuan, higaan, tulugan, sugalan at patungan ng pagkain (aminin!)

Para sa pamilya ko, higit na ikaliligaya ng mga namayapa kung araw-araw silang ipagdarasal ... na sana maligaya sila saan man sila nandodoon. Yan ang tunay na honras!

Anyway, tama na nga ang effect. Unang-unang ginawa ko pagkaayos ng flowers at pagkakatirik ng kandila eh ipakilala sa mga pamangkin ko ang namayapang grand grandparents nila sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga pangalang nakasulat sa lapida. Baby ba kse sila nung mamatay si Ignacia at lalong hindi nila kilala si Cirilo dahil hindi pa nagliligawan ang Mama at Papa nila eh sumakabilang-buhay na ito.

Nang finally eh makabisa na ng mga pobre kong pamangkin ang tongue-twister na mga pangalan, sinimulan na ang paglalaro ng baraha saan pa kundi sa ibabaw ng nitso. (saan pa nga ba!)

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
(L) Teejay and MJ with future Sacristan Kiko
(R) Mom w/ Nanang Guring, Ignacia's sister

Habang abala ang mga bata, kami naman eh chika galore sa bawat mapadaang kakilala at kamag-anak at nang wala nang makausap eh napag-ukulan naman namin ng pansin ang kapit-nitso (watta term!) namin.

Ang kapit-nitso namin eh may dalawampung taon nang walang dumadalaw at diumano eh nasa US na ang kaanak. Tuklap-tuklap na ang pintura at unti-unti nang nauubos ang "bahagi ng katawan" ng nakapakong Jesus Christ pero himalang hindi tinitibag ng simbahan. Ay, panigurado updated ang bayad sa renta.

Una kong makita ang imahen sa ulunan ng nitso, kumpleto pa siya pero eto na siya ngayon:

Photobucket - Video and Image Hosting
Dilapidated and all

Kalunos-lunos hindi po ba pero wala kaming magawa taon-taon kundi bisitahin kung anong bahagi ng imahen ang "nawawala." (Pag-trip-an ba!)

Bandang 6:00 PM nilisan namin ang sementeryo. Bagama't sa susunod na taon muli ang balik namin sa sementeryo, makakasiguro naman ang mag-asawa na lagi silang bahagi ng aming mga panalangin.

Damay na rin yung sa kapit-nitso.

Binalibag Ni Choleng ng 6:35 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com