BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, October 30, 2006
Karagdagang Kampon ni Buruka
10.26.06
Naikuwento ko dati ang bruha sa Taguig Post Office at kamalas-malasang malas, nakatagpo ako kahapon ng mga kaklase nya sa NBI Carriedo.
Ilang minuto lang ako dun pero sa ilang sandaling yun nawindang, nabuwisit at nagmukha akong tanga. Salamat sa mga "pleasant" at "accommodating" na tao sa NBI Clearance Center.
Lunes, nagpunta ako sa NBI kiosk sa Megamall para magpa-renew ng clearance. Kailangan ko k'se sa passport application. Dahil sa GINA CRUZ, hindi na-release ang clearance ko bagkus pinapunta pa ako sa Carriedo for verification. May kapangalan daw ako. (Ano pa nga ba?)
Carriedo? Di ba Taft ang NBI? Hay, nalipat na pala. Maryosep, hindi ko alam pumunta dun! Sayang naman ang P115 ko kung hindi ko aasikasuhin!
Huwebes nagkaroon ako ng lakas ng loob na puntahan ang NBI Carriedo dahil sinamahan ako ni Clio. Parang labyrinth pala papunta dito! Kung mag-isa lang ako baka kung saan na ako pinulot.
In fairness, mabilis ang proseso sa Clearance Center kaso nga lang, ang susungit ng mga tao. Step 3, 4 and 6 na nga lang ang gagawin ko pero natikman ko ang hagupit ng latigo nila.
Mga buruka!
Step 3 : Quick Search
"Resibo," sabi ng babae (o lalake?). Binigay ko naman kasama ang naka-attach na lumang NBI Clearance. Kinuha tapos may kinutkot na kung ano tapos pahagis na binalik sa akin ang papel. (Muntik nang lumipad!) May itatanong pa sana ako pero napansin kong wala na siyang pakialam sa akin kaya umalis na lang kami ni Clio.
Step 4 : Image Capture
Kodakan. Sa pinakamaigsing pila kami humanay ni Clio pero nang turn ko na, tinuro kami ng mama sa kabilang station. Tsk! Medyo mahaba ang pila sa itinuro nya. Tyempong naka-eye contact ko ang mama (o ale?) sa katabing station kaya pa-sweet kong tinanong, "Puwede?" Tumango naman kaya agad kaming pumunta sa kanya.
Akala ko mabait pero impakta din pala. Agad akong pumosisyon sa white board pero sabi ng bruha, "D'yan sa white board, tingin sa camera ..." (alam ko naman pero standard dialogue yata yun ... kailangang sabihin otherwise may QA deduction!)
Nung pumuwesto na ako, mataray na sinabi, "Kailangan ko rin ang resibo..." Hawak ni Clio ang bag ko pati resibo, iniabot sa akin. "Eto..." Saglit akong umalis sa puwesto para kunin at iabot sa kanya pero paasik niyang sinabi ang "standard dialogue" sabay naiiritang iminustra na bumalik ako sa puwesto.
Ilan kaya ang katawan ko para magawa ng sabay ang gusto nya? Paksyet!
Gusto kong sakmalin ang hitad pero ayokong gumawa ng eksena. Nagpigil ako. Pak! Kinunan ako ng picture nang hindi ko nalalaman, tiningnan ang resibo at tulad ng mama (o ale) sa Step 3, ganap na akong naglaho sa paningin nya kahit nasa harapan pa nya ako.
Step 6 : Registration
Akyat kami ni Clio sa kasunod na palapag. (Yes, last step!) Asang-asa ako na makukuha ko na ang clearance pero may itinatak ang mama sa resibo sabay sabi, "Balikan mo bukas ng hapon."
"Ano?" Angal ko. "Galing pa yan sa Megamall."
"Kelan ka ba galing ng Megamall?" tanong ng mama. Kelan nga ba? Iniisip ko pa pero bago ako makapagsalita, nasopla na ako. "Dapat k'se dinala mo agad dito."
Nangina naman! Alam ba nila kung gaano kalayo ang Megamall sa Carriedo para madala ko agad? Hindi naman pagkuha ng NBI ang buhay ko! Sasagot pa sana ako pero naisip ko hindi naman ako mananalo kse taga-NBI siya, ako isa lang hamak na manggagawa na "nagpapasuweldo" lang naman sa kanila! Balikan daw, eh di balikan. Buti na lang, game pa rin si Clio na samahan ako.
Nagtataka lang ako. Oo nga't lima singko ang pangalan at apelyido ko pero siguro naman ako lang ang nag-iisang Gina Cruz na Lizertiguez ang middle name, noh? Hay, Computer Age na nga tayo pero lahat kumplikado pa rin. Buti kung convenient magpunta sa Carriedo eh makikipagpalitan ka muna ng mukha bago makapunta dun.
Step 7 : Releasing
Anyway, the next day, nakuha ko naman agad ang clearance. Awa ng Diyos, walang masungit. Ito yata ang department na mababait ang tao. Siguro dahil releasing lang. In fairness, kahit buraot ako sa Step 4 eh lumabas na galak na galak ang larawan ko.
Hindi halatang windang ano?
Hay, valid for one year daw ito. Eh di pag renewal panibagong kalbaryo na naman. Sana may Clio pa rin na aagapay sa akin.
Talking about "kalbaryo," pauwi, nagpenintensiya pa ako. Tatlong matatabang boylet ang katabi ko sa gitna ng FX. Ang masama pa nito, may putok yung nasa kanan. Siksik na siksik ka na nga, traffic pa dahil Biyernes, tapos mula Quiapo hanggang Pasig, sinimsim ko ang kanyang aroma. Hay! Ang sakit ng tiyan ko pag-uwi.
Hmp! All that trouble para lang sa clearance. Taena, hassle! (Expression lang 'to ha!)
Binalibag Ni Choleng ng 3:45 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin