BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, November 22, 2006
Kinuyog na Kaarawan
11.11.06
Sa wakas nakabalik ang alibughang anak sa pamilya!
Ilang taon ding hindi ko naiselebra ang aking kaarawan at hindi rin nakakasama sa gimik ng Kuyog dahil talagang hindi swak sa schedule ko kaya tuwang-tuwa ako at muli ko silang makasama.
Top: Kuyog! Bottom: Kuyog "barakos"
Ang Kuyog ay ang barkadahang nabuo nung "telecommunicators" pa kami ng dati ay namamayagpag na Pocketbell. Telecommunicators, oo. Kami yung mga nagkabali-baligtad ang mga daliri sa pagtipa ng messages ng mga caller. Bakit KUYOG? Tagalog word ito ng swarm as in swarm of bees. Gets? Dapat lang!
Kuyog during the 2-in-1 birthday celebration
Namatay at tuluyan mang naglaho ang pagers at nasa iba't-iba'ng kumpanya na kami (karamihan ay nasa call center din); ang telecommunicators ay napalitan ng eReps/agents at spokening dollars na; medyo nadagdagan ng timbang at nanaba, numipis ang buhok at nagkaka-wrinkles na ang karamihan; nadagdagan ng anak ang may anak, nawalan at muling nagkaroon ng dyowa ang iba at nagkaasawa't nakipaghiwalay na ang isa (teka, ako yun ah!), pero nanatiling solid pa rin ang kuyog. Kuyog nga eh.
Imee with the Kuyog kids
Walang pinagbago kahit ilang taon akong nawala. Andun pa rin ang mga tradisyong tatak-Kuyog. Anu-ano yun? Eto:
Joint Celebration. Dahil busy sa sari-sariling career at nagkikita-kita lang tuwing may okasyon, pinagsasabay-sabay na ang celebration que binyag, Christmas party pero mas madalas ang sa birthday. Merong 3 in 1, merong 2 in 1 at solo celebration lang kung wala kang kasabay sa buwan na yun. Dati naghihiwalay pa kami ni Toyang pero this year, 2 in 1 kami.
With co-birthday celebrator Toyang
Patak-Patak. Ito yung pagtsi-chip in sa kung magkano man ang halaga ng gift. Minsan sa dami ng naghahati at mura ng gift, tig-P30 na lang ang partihan. Akalain nyong managers na ang ilan pero nakikipatak-patak pa rin. Panalo!
Reyna ng Patak-patak Imee. Galing k'se sa Math
Gift Request. Ito eh karaniwang ginagawa ng matigas ang mukhang Kuyog (like me.) Bago pa man makabili ng gift eh magre-request na ang may birthday ng gusto kaya naman sa mismong araw ng celebration, dahil alam na kung ano ang gift, ang thrill na lang eh kung ano ang magiging gift wrap at kung magkano ang partihan.
Speaking of partihan, panay ang angal ng master shoppers (Ella and Imee) dahil bukod sa mahal ang ni-request ko, nahirapan pa silang maghagilap ng copy. Ilang National Bookstore yata ang itinumba nila makahanap lang. (Ay, love nila ako talaga.) Sa isip-isip siguro nila, bakit nakabalik-balik pa ako... hehehe... Sensiya na, bumabawi lang sa tagal ng pagkawala ko sa inyo.
With Master Shopper Ella (my Pac-ner in crime)
Harry Potter Book 5 (Half-Blood Prince) ang ni-request ko at dahil sabay pa kaming nag-celebrate ni Toyang na pantulog naman ang gift, medyo malaki ang partihan. Panay tuloy ang parinig ni Ella na dapat mabusog ang lahat para makabawi sa hirap at gastos.
Birthday presents ... pantulog for Toyang, Harry Potter for me... ahuhuhu! ... Ganda!
Para sa taong ito, isa pang tradisyon ang nadagdag sa nakakaloka na naming tradisyon. Sa'n ka nakakita ng birthday celebrant na nagpagawa ng sariling birthday cake n'ya? Dito lang sa Kuyog!
Birthday cake BEFORE ...
... and AFTER ... Whoaah!!!
Natupad naman ang wish ni Ella na gumapang ang lahat sa kabusugan dahil bumaha ng handa at di lang yun, may take-out pa. Another only-in-kuyog tradition.
Hay, Christmas party na ang susunod naming pagkikita at dahil Kuyog, another set tradition. Kung anu-ano yun, that's another story.
Binalibag Ni Choleng ng 9:36 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin