<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, January 24, 2007

The Babes, the Hunk at ang masuwerteng banana cue
01.20.07

Nagtaka pa ako kung bakit pagkalabas na pagkalabas namin sa back gate ng JG eh naging alumpihit ang mga kasama kong dalaga (Haydee and Clio) at 1,000 pagaspas per minute naman ang pilik-mata ni Kaye. Yun pala, sa tapat lang namin eh walang pakundangang kumakain ng banana cue ang hunk na si Jake Roxas. Oo, si Jake Roxas, the artista and model.

Photobucket - Video and Image HostingSus, kung hindi pa nila sinabing si Jake eh hindi ko mapapansin. Simple lang siya, hindi mukhang artistahin at ni hindi mestizo. Sumulyap ako sa kinatatayuan ng mokong pero agad kong binawi, medyo napahiya dahil nakatingin pala sa amin (or rather kay Kaye ... o kay Clio?). Kakaiba pala ang ang dating ng hunk na ito ... makalaglag-salawal!

Close Up smile ang loko, enjoy na enjoy sa banana cue ... ilang segundo ko siyang tiningnan pagkuwa'y nagkunwaring hindi ko siya nakita. Hindi na ako lumingon hanggang makarating kami ng Valero at makasakay ng taxi pero ayon sa mga dalaga, hindi kami hiniwalayan ng tingin at totoo nga, nang kawayan ni Kaye (sabay sigaw ng "Ba-Bye" as if naririnig siya), nakita kong kumaway din ang hunk.

Flirt!

Pabirong inutusan ni Kaye ang driver na ibalik ang taxi sa JG pero buti na lang hindi sumunod. Mahirap ng magkasala, di ba girls? hehehe!

Hay, sana kami na lang ang banana cue na hawak ni Jake! Saraaaap!

Binalibag Ni Choleng ng 5:25 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com