BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, January 10, 2007
Kasaling-kasali!
12.29.06
Kasal, Kasali, Kasalo ...
Comedy ang movie pero ewan at napaiyak ako. Well, nagkunwa-kunwarian akong naiyak sa katatawa dahil nakakahiya sa mga kasama ko pero naiyak talaga ako.
Siguro dahil ang daming eksena na naka-relate ako. Very realistic at natural k'se ang story pati na rin ang pag-arte ng mga artista lalo na sina Juday at Gina Pareno (na malaki ang hawig sa Mommy ko) at sige na nga, ikaw na rin Harry Potter... este, Ryan.
How I wish sing-taray ko si Juday nang harapin nya ang "babae" ni Ryan. Sabagay, kung sing-cute ba naman ni Ryan ang asawa ko eh ipaglalaban ko talaga pero teka, cute din naman ang nasira kong asawa. Ang kaibahan lang, hindi ko siya ipinaglaban dahil hindi karapat-dapat ipaglaban!
Si Ryan k'se, mahal talaga ang asawa kahit nangaliwa. Sabi nga eh, "hindi niya ipinagpalit kundi tumikim lang ng ibang putahe..." Yung case ko, hindi lang tumikhim ng ibang putahe ang damuho. Nag-take home pa at ang "kare-kare'ng nasa palayok" eh itinapon sa kaning-baboy!
Ang sobrang nakapagpaiyak sa akin eh yung hospital scene, kung saan humingi ng tawad si Ryan sa kapapanganak pa lang na asawa. Nung sabihin ni Juday na yung paghingi lang ng tawad ang hinihintay nya kay Ryan, nakita ko ang aking sarili.
Mismo. Ganyang-ganyan! Nang layasan ko ang nasira ko'ng asawa, hindi ko naman hiniling na magkabalikan pa kami o dili kaya ay humingi siya ng tawad kundi yung lang bang ma-realize at aminin n'yang nagkamali siya.
Asa pa ko!
Lalo akong naiyak nang sabihin ni Ryan na "siya lang ang tanging lalake na umamin na niloko ang asawa.
Buti pa siya!
Naku karamihan ng lalake, magkamatayan na hindi talaga aamin. Naalala ko tuloy yung naka-chikahan naming FX driver na nagsabing kahit mahuli pa siyang "nakapatong" eh hindi pa rin aamin hangga't hindi siya nagpa-p*mp.
Ganda n'yang madapa ... nakahubad!
Anyway, must-see movie po ito at sulit naman ang bayad. Tatawa, maiinis, magagalit at iiyak ka talaga.
Teka, ba't parang ginawa tayong luka-luka?
Binalibag Ni Choleng ng 6:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin