BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, January 09, 2007
Erehe at Pilibustero!
12.07.08
Sobrang excited ako dahil finally makakapagkabit na ako ng Christmas decor pero laking dismaya ko nang makitang butas ang kahon ng Belen.
Nang buksan ko ... NANGKUPOW!
Kumpleto pa naman ang Three Kings pati na sina Mama Mary at St. Joseph at buo pa naman ang sabsaban pero si Baby Jesus, tsinugi ng intruder sa nitch at yung mga damo sa bubong ng manger, nilipat n'ya lahat sa baba at doon siya nagpugad.
Akalain nyong pagsilip ko sa loob ng Belen ay andun pa ang pangahas na intruder? Eye to eye contact pa kami ng ungas!
Ereheng daga!
Binalibag Ni Choleng ng 6:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin