BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, January 07, 2007
It could have been us!
12.01.06
Unang araw ng Disyempre. Dapat ay masigla akong nagkakabit ng Christmas decor pero ipinagpaliban ko muna. Paano ba naman eh dadaan raw ang mata ni Reming sa Metro Manila!
Maghapon akong balisa at nangasim ang sikmura dahil sa tensiyon. Sariwa pa sa aking ala-ala ang delubyong dulot ni Milenyo kaya ang tindi ng takot ko lalo na't ayon sa balita eh higit na malakas daw ito.
Bandang hapon, "lumihis" si Reming at Mindoro na ang puntirya. Parang "magic" na biglang napalis ang paninikmura ko. Ganun katindi ang phobia ko!
Hindi ko masabing "salamat at lumihis ang bagyo," dahil alam kong ibang lugar ang masasalanta at ipokrita namang sabihin kong sana sa atin dumaan ang bagyo para hindi na masalanta ang iba. Ipinagdasal ko na lang na huwag naman sanang gaanong maminsala ang bagyo at nagpasalamat na rin at na-spare tayo ng bangis ni Reming.
Inakala kong di ganung kalakas ang bagyo, na nagkamali na naman ang PAGASA dahil Signal #3 na sa atin eh puro hangin lang pero iba pala ang eksena sa Bicol, Puerto Galera at sa lahat ng dinaanan ni Reming.
Matinding pinsala ...
... maraming kinitil na buhay ...
Aber nga, paano ako makakapagpasalamat?
Binalibag Ni Choleng ng 11:22 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin