BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, December 28, 2006
Sapilitang Pahinga
11.27.06
Nakailang Thanksgiving na rin ako sa PS pero first time in history na sapilitan kaming pinagbakasyon.
FPTO!
Akalain mo yun, pahirapan at sumusuka ka na ng dugo eh hindi pa rin aapbrubahan ang leave tapos ngayon, ipinagduldulan pa.
Hindi ako dapat naka-leave ng Friday, November 24 (November 23 sa US, Thanksgiving Day) pero pinatawag ako at tinanong kung gusto kong mag-leave, meron naman daw willing to cover for me. Umoo naman ako thinking na isang araw lang ang forced PTO pero heto ang text ng supervisor ko the next day, Monday na raw ang pasok ko.
Huwaat??? 5 araw akong pahinga kasama ang rest days? Maloka-loka ako. Tagal ko nang inaasam-asam to!
Bakasyon galore na rin lang, rampa dito, rampa doon ang ginawa ko.
Friday, November 24: Gora kami sa Robinsons Pioneer para manood ng Happy Feet. Okay pala dito. Kokonti lang ang tao tapos P100 lang. Sulit ang bayad dahil maganda ang movie, never a dull moment at mapapasayaw ka talaga sa production numbers.
Saturday, November 25: Umaga, natuloy na rin ang plano kong ayusin ang garden na mula nung sinalanta ni Milenyo eh hindi ko pa naaayos. Sus, yung paso ng palmera, napunta sa bubong ng kapit-bahay! Paano ko kaya makukuha yun?
After lunch, isinalang ko sa wakas ang The Devil Wears Prada na ilang linggo ko nang hiniram kay Clio. Hindi ko rin natapos dahil kailangan naming pumunta sa San Vicente, San Pedro, Laguna. Burol ng kapatid ng Dad ko.
Buong akala namin, alam ng Dad ko ang pupuntahan pero pagdating namin sa "manok" sa Laguna, dun namin na-discover na ang tanging alam lang ng Dad ko ay ang San Vicente. Hindi alam ang address, hindi alam ang house phone number pati cellphone number ng mga kapatid nya. Hindi rin sigurado ang apelyido ng kapatid dahil nag-asawa na. Nangkupo!
Ang magaling kong bayaw nagbaka-sakali. Tanong dito, tanong doon nakarating kami sa San Vicente pero dahil hindi nga alam ang address, nagpaikot-ikot lang kami. Sinubukan naming magtanong sa Barangay Hall pero ang tanging napala namin eh ang pakiki-CR ng Mom ko.
Makalipas ang isang oras, napagdesisyunan ding pumunta na lang sa bahay ng lolo ko sa Landayan at magpasama na lang sa kung sinuman ang nandun, na siya naman talagang original instruction. Susme, nagpaikot-ikot pa kami, sa Landayan din pala ang bagsak.
6:00 PM pa kami umalis ng Tipas pero 9:00 PM na nakarating sa lamay dahil sa nangyari. Gutom na gutom tuloy kami dahil wala pang dinner kaya pagdating, tinira agad namin ang nakahaing lomi at puto. Yung iba naiilang kumain sa lamay lalo pa't kaharap mo lang ang ataol pero masarap naman ang pagkain kaya keber kung katabi lang namin ang coffin. Besides, gutom na talaga kami.
Tsura ng eat and run lang kami dahil bandang 10:00 PM, nagpaalam na kami at malayo-layo rin ang biyaheng pabalik. Kinuha ko na ang lahat ng number sa Tita ko, landline, cellphone pati address. Mahirap na. Baka mawala na naman!
Hindi muna kami dumiretso ng bahay dahil pauwi, napag-usapan ang pamahiing "banlaw." Di raw dapat umuwi agad pag galing lamay. Dapat mag-"banlaw" muna. Kahit ano'ng gawin basta ang importante, di uuwi agad. Ayun, sa Chowking San Joaquin ang naging banlawan. Extension ng birthday celebration ko tuloy.
Sunday, November 26: Movie Marathon ito. After lunch, muli kong sinalang ang The Devil Wears Prada at sa wakas natapos ko rin. Naku, kung ako si Andrea (Anne Hathaway) unang araw pa lang iniwan ko na ang bruhang boss. Pero siyempre, walang kuwento kung ganun nga ang nangyari.
Nang matapos, isinalang ko naman ang Rent pero sa kapapa-rent ko, ayaw nang basahin ng player kaya Nanny McPhee na lang ang pinagtiyagaan ko. In fairness, maganda pala ang movie pero buti na lang hindi ko pinanood sa sine kse simple lang ang story. Akalain nyong dulo na ng movie ko nakilala si Emma Thompson. Kundi pa nawala ang mga kulugo, bakokang at na-align ang ngipin nya!
Di pa rin ako nasiyahan, Pamahiin naman ang sunod kong pinanood inspired by our recent visit sa lamayan. Ang corny! Buruka dapat ang titulo ng movie dahil ang lahat ng kababalaghan eh gawa ni 'Nay Magda ... este Jacklyn Jose.
Hay! Bukas, papasok na ako. Hirap ng ganito ng mahaba ang bakasyon, nakakatamad pumasok. Kung hindi lang mauubos ang leave ko, ie-extend ko ang bakasyon.
Teka ... Waaah! Apat na lang ang mako-convert kong unused leave!
Binalibag Ni Choleng ng 5:45 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin