<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, December 28, 2006

Nang dahil sa S at Z
11.30.06

Nalabuan ang DFA sa authenticated birth certificate ko kaya humihingi ng mas malinaw na kopya. Natuklasan tuloy ang discrepancy sa birth certificate ko. Ang luka-lukang komadrona (patawad, Nanang), imbes na LIZERTIGUEZ eh LISERTIGUEZ ang isinulat (opo, sulat-kamay) sa birth certificate ko at isa pang blooper, ang gender ko ay Girl, hindi Female. Kakaloka!

Naku, kung hindi lang siya ang nagpaanak sa aming magkakapatid (mula sa akin hanggang sa ikatlo, yung bunso sa hospital na) pinakulam ko na siya. Kakaasar pa k'se yung dalawang sumunod sa akin, tama naman ang pagkakasulat niya ng apelyido. Unfair!

Mali na nga ang dokumento, lalo pang naging mali nang pirmahan ng magaling kong ama. Take note, signature over printed name yun pero ewan kung bakit pinirmahan pa rin. Dahil ba malabo ang mata n'ya, sobrang tuliro o sobrang na-excite sa pagsilang ko sa mundo? Hmp! Anuman ang dahilan, wala ng magagawa. Pinagdurusahan ko ngayon ang pagkakamaling nangyari tatlumpu't-siyam na taon na ang nakakaraan. Hmp! Mauunsiyami pa yata ang pagkakaroon ko ng passport.

Nang dahil lang sa isang letra.

Opo, isang letra lang ang iwawasto, sandamakmak na dokumento ang hiningi ng civil registry. ('Pag hindi ka nga naman pinanginigan ng taba!)

Eto yun:

Birth Certificate/Marriage Contract of Parents

Napagod lang ako sa kahahalungkat sa baul ng mga parents ko, wrong spelling din pala ang mga dokumento. Langya, iba't ibang pambabalasubas sa apelyido -- Kung hindi Lisertigez, Lazerteges, Lizertiga, Licertiges, Lazartige etc. etc. Kakatawa nga dahil pati Meralco bill at ultimong lapida ng lolo ko mali rin! Ang nakakaaliw, kahit mali ang spelling pirmado pa rin. Magaling! Magaling! Magaling!

Baptismal certificate

Awa ng Diyos, tama ang record ko sa libro ng simbahan kaso ang luka-lukang typist, wrong spelling ang pagkaka-type sa kopya ko. Whew! Hirap talaga ng kumplikado ang surname! Kinulit ko talaga na ulitin nya dahil kaya nga ako kumukuha ng kopya as supporting document sa correction of name ko. Inayos naman. Kaaliw, nalaman ko tuloy na bininyagan ako noong February 25, 1968.

Voter's Affidavit

Alam ko meron ako nito pero hindi ko matandaan kung saan ko itinaglo. Baka naiwanan ko sa Bambang, wag na lang!

SSS Record (E1/E4)

Isang malaking tsek ang mga dokumentong ito! Siyempre, ako na ang in-charge, siguradong walang mali sa information, noh!

Form 137

Nataranta pa ako nung una. Ano ito? Ibig sabihin kailangan ko pang pumunta sa Southern Rizal Institute at Mababang Paaralan ng Tipas? Susme, transcript of records lang pala, akala ko pahihirapan pa ako.

Civil registry records of ascendants

Siyempre wala nang problema dito dahil tama naman ang spelling sa birth certificates ng mga kapatid ko. Suya!

Bank Passbook

Cruz ang apelyido ko sa bank record, ewan ko kung may silbi.

NBI

Siyempre, may hiwalay akong kuwento tungkol dito! (See October 26 entry entitled Karagdagang Kampon ni Buruka)

Hay, hindi ko alam ang susunod na gagawin kapag kumpleto na ang requirements. Huwag naman sanang humantong sa pagpa-publish ng correction sa dyaryo... langya, gastos yun!

Nananawagan lang po sa mga magulang at magiging magulang. Ibayong pag-iingat lang po sa birth certificate ng inyong anak at magiging anak. Ikaw, Mommy, kahit na bangenge at duguan sa panganganak tingnang mabuti ang information sa birth certificate at ikaw naman, Daddy, tulungan ang asawa. Wala namang nawakwak sa yo at siguradong mas hindi windang ang utak mo para rekisahin ang dokumento.

Yun lang!

Binalibag Ni Choleng ng 6:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com