BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, January 10, 2007
Kinuyog na Pasko
12.18.06
Lunch time daw ang Christmas party ayon sa text ni Big Brother, si Kiko na kaya ganun ang tawag eh sa bahay nila sa Burgos, Montalban lagi'ng ginagawa ang pagtitipon ng Kuyog.
Cast and Crew. Asan ang mga boys? Andun sa salawal ni Pacquiao!
May duty ako at 3PM pa ang out ko kaya pagpatak ng 3:01, lipad agad. Baka hindi ako makahabol sa "tradisyon" na may katagalan na ring hindi ako nakabahagi.
Anu-ano'ng tradisyon? Eto ...
Pot Luck
Basta nag-text na ng date, kasunod na nun ang toka-toka sa dadalhing food. Siyempre mas malaki ang sagot ni Big Brother. Sponsor eh!
Lafang ... Panalo ang pansit ni Kuya!
Giveaway
Walang palya yan. Taon-taon may munting ala-ala sa bawa't kapamilya. Hindi na pinag-uusapan ang halaga, ang importante may maiabot. Yun nga lang, dahil sa paulit-ulit na pagbibigay ng panyo, mug, keychain, suklay at bimpo, banned na ang mga nasabing items as giveaway.
Best giveaway award goes to ... Fatawa!
Para sa taong ito, dahil sandamakmak na coin purse ang natanggap namin kaya kasama na siya sa "banned items."
Parlor Games
Panis na ang Trip to Jerusalem at The Boat Is Sinking. Tatak Henyo naman for this year.
Mas masaya sana kung lahat nag-participate kaya lang, ang mga "barako" kung bakit sa dinami-dami nang araw, ngayon nila naisipang panoorin ang mga laro ni Pacquiao. Ipinagpalit kami sa boxing! Di bale, sumali naman ang mudra ni Myra pati na rin ang mga bata.
Mama and Gab - namimili ng mahirap na category!
Lani and Tek -- first to win. Mga henyo!
Pinoy Henyo -- Bata Batuta & Senior Citizen Edition
Gift-giving
Kailangan may tigi-tigisang gift ang Kuyog kids otherwise magrereklamo si Lance. Bilang nya yan! Wish ni Mariella dalawa ang gift nya taon-taon k'se di lang naman Pasko, birthday din nya.
Paramihan ng regalo!
Exchange gift
Old school na exchange gift pero exciting pa rin. Medyo well-off na ang Kuyog ngayon kaya bihira na ang maglaitan sa regalo.
Bunutan ng number mula sa mahiwagang palanggana!
Tek, salamat sa bimpo. Bibili pa dapat ako, buti na lang yun ang nakuha ko.
Take Home
Kahit ano'ng okasyon, hindi mawawala ito. Talagang sinosobrahan ang handa may maiuwi lang kami. Panalo!
Muli, salamat sa Bahay ni Kuya at kay Big Brother para sa paulit-ulit na accommodation. Next year ulit. Reminder lang, banned na ang coin purse, ha!
Binalibag Ni Choleng ng 5:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin