BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, January 17, 2007
Usapang S, Z at Senglot
01.12.07
Nakuwento ko na dati ang requirements para lang iwasto ang isang letra. To cut a long story short, nakumpleto ko naman ang documents at dinala ko kay Aling Paning sa civil registry. Yup, first name basis kahit di kami close. Kasamahan k'se siya ng biyenan ng sister ko kaya nakiki-chummy-chummy na rin ako. Siyempre, kailangan ng PR para asikasuhin kang mabuti.
30-50 days daw ang processing pero dahil "close" kami ni Aling Paning, antedated ang application -- ginawang January 2 para mapabilis-bilis ang processing. Iba na ang may koneksiyon!
Isang letra lang ang papalitan P1,500 ang siningil sa akin. Langya, parang gusto ko na namang gilitan ang komadrona! (Joke lang, Ka Linda)
Ngayon, hintay na naman ako. Sana lang maayos siya bago matapos ang buwan para maka-book na kami ng ticket pa-Singapore. Excited na si katotong Bonj sa pagdalaw namin sa kanya dun, pano ako makakapunta kung walang passport?
Magmilagro sana!
Pahabol na kuwento:
Pagkagaling ng civil registry, dumaan muna ako sa karatig na Mercury Drug para sa pinabiling droga ng nanay ko. Katanga-tangahang tanga, malapit na ako sa amin nang mapansin kong resibo lang ang nabitbit ko -- wala ang gamot! Baba ako ng jeep, sakay ulit pabalik. Alam ko namang walang ibang dadampot ng gamot sa botika pero mas magandang makuha as soon as possible. Nakuha ko naman. Parang ipo-ipo, pagkakuha sibat agad.
Tagal bago may nagdaang jeep pabalik at nang may magdaan, sakay ako agad. Ang magaling na mama, todo de kuwatro na medyo nakadahilig pa eh nalamang may sasakay.
"Excuse me," mataray kong sabi sabay siksik sa kanya para umusog. Umayos naman ang mama kaso naka-de kuwatro pa rin. Isip-isip ko, ano ba to, trip ipitin ang itlog nya?
So ayun, umandar ang jeep. Mga limang minuto nang nakakaarangkada ang sasakyan nang mapukaw ang pansin ko ng tila naninilaw na bagay sa manggas ng t-shirt ng mamang ungas. Yellowish? .... Teka ... Langya, suka pala!
Eeeew ... lalo akong nandiri nang makita ko'ng pati pala sa upuan eh may suka ... kaya pala halos pahiga na ang upo ng mama para itago ang ginawa nyang "lugaw!" Buti na lang hindi ko naupuan sa pagsiksik ko sa kanya!
Tanghaling-tapat lasing.
Kadiri!
Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin