BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, April 05, 2007
Holy Weak!
Panalo ang Mahal na Araw ko. Talagang kalbaryo ang drama.
Huwebes Santo. Mag-isa lang akong morning sup at ewan ko ba, wala naman akong balat pero tuwing naiiwan akong mag-isa, laging may nagda-down. Akalain nyong down na nga ang CMS (ito yung system na nagmo-monitor ng calls ng agents), down pa ang Ana*yt**s (ito naman yung taga-generate ng report) at down ang Outlook. Sabi nga ng TM, meron pa bang ibang puwedeng mag-down?
Biyernes Santo. Mag-isa na naman akong pang-umaga. Walang kaabog-abog, nawalan ng kuryente 8 AM pa lang. Kaya ko namang i-handle ang pangyayari pero ang hindi ko kinaya eh ang paglapit sa akin ni Clio saktong pagkalat ng dilim sa floor. Sumasakit daw ang dibdib. Sabi ko, "Clio, huwag kang magbibiro ng ganyan." Pero sa hitsura nya, alam ko hindi sya nagbibiro.
Nataranta ako. Ano ba ang uunahin ko, alamin kung ilang agents ang naapektuhan ng brownout at tulungang i-restart ang PC nila na dahil namatay eh nag-giant font lahat o si Clio. Kaso, unahin ko man si Clio, paano? Holiday. Walang clinic. May Makati Med pero walang elevator!
Ano ba naman to! Umupo muna ang Clio, lapit ako sa guard. Sinabi ko ang nangyari at buti na lang, kahit madilim pa ang paligid, may elevator na pala kaya pinasamahan ko ang dalaga sa kapwa dalaga. (Oo, Nap. Ikaw yan!)
One case resolved pero hindi pa dun natatapos ang kuwento. Bandang 2:00 PM, brownout na naman. 30 mins lang naman nawala pero kakaloka dahil nang bumalik ang power, aba, on and off! Mga 5 beses siguro bago pumirmi ang power. Ang mga PC, nag-giant font na naman!
Dahil sa kaguluhan, late ko nang nagawa ang reports at nakaalis ako ng office ng 7:00 PM na. Mind you, 6:00 AM to 3:00 PM ang schedule ko huh.
Pauwi, traffic dahil kaliwa't kanan ang prusisyon. Nakaligtas ako sa Pasig pero hindi sa amin. Ilang kanto pa mula sa amin, bumaba na ako dahil sasalubungin namin ang prusisyon. Palakad akong sumalubong pero okay na rin dahil nagkaroon ako ng pagkakataong panoorin ang iba't-ibang karo. Daming version ng Mater Dolorosa at Santo Entierro. Kahit papaano, na-feel ko ang Holy Week.
Sabado de Gloria. Medyo tinantanan ako ng down. Walang ganong issue kaya maluwalhati akong nakauwi. Pagdating sa bahay, nanlumo ako nang malaman kong magpa-family swimming daw sa Sea Breeze kinabukasan. Panigurado, hindi ako makakasama.
Siguro dahil sa sunod-sunod na pagod ng nakaraang araw at dahil Mahal na Araw, napaiyak ako.
Binalibag Ni Choleng ng 10:14 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin