BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, April 03, 2007
Serbilis!
Finally, nadala ko rin sa NSO ang dokumentong magpapalit ng Z sa S.
7:30 pa lang pero hindi na mahulugang-karayon ang tao sa NSO. Kataka-taka dahil bukod sa e-Census, ang dami pang satellite offices ng naturang ahensiya pero bakit ba ako nakikialam? Eh sa gusto nilang mahirapan! Di mo rin masisisi dahil dito P125 lang samantalang P300 naman sa e-Census.
Suwerte kung suwerte ngang matatawag na special case ako kaya sa mas maigsing pila ako itinuro ng guard. May nauna nang mga dalawampung tao sa akin. At di pala ako nag-iisang may problema sa birth certificate huh!
Yung katabi kong babae, nakaligtaang lagyan ng Jr. ang pangalan ng anak nya. Yung isa namang babaeng galing pa ng Pangasinan, mali ang spelling ng pangalan at yung babae sa may likuran ko, imbes na 1974 ang kapanganakan, 1973 ang nailagay. Ano yun ba naman yung kumadrona, naka-drugs?
Mabilis ang pila at di nakakapagod dahil may upuan naman. Ilang sandali lang, kaharap ko na ang screener na ilang beses binali-baligtad ang dala kong dokumento, may sinulat na RA kuning-kuning sabay sabing magpunta ako sa Window 35 na cashier pala. Isip-isip ko, bayad na naman pero di bale na. Ano ba naman yung P125 kapalit ng annotation sa birth certificate ko. Galing nga, sa April 23 pa ako pinapabalik para sa copy, 2pm.
Yan ang tinatawag na serbilis! Bilis maningil!
Binalibag Ni Choleng ng 10:13 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin