<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, September 13, 2007

PS Ayyy-dol
Ilang taon kong iniwasan pero this year, hindi ako nakakawala dahil isa si Lovester sa organizers.

PS Idol po ang tinutukoy ko.

Eliminations. Panay ang reminders sa akin ni talent manager Anna papuntang Chaka Building. "Relax, Gina ... may tendency kang ma-tense ... take a deep breath ... good job!"

Piano in the Dark at binarubal na Last Dance ang tinira ko. Binarubal dahil kung anu-ano'ng lyrics ang lumabas sa bibig ko. Ang hirap kumanta dahil 6:00 AM pa lang, puyat at walang vocalization pero okay pa rin. Nakalusot sa Face-off na naganap two days after.

Face-off.

Mag-isa lang ako dahil na-vertigo ang manager ko. 4 na categories ang ibinigay, choose two -- Songs about unity, Songs from the 80's, Broadway Songs at Music Icon kung saan pipili ka ng kanta ng astig na artist tapos gagawan ng sarili'ng rendition.

Cabaret ang tinira ko para sa Broadway na hindi ko na maalala kung kailan ko huling kinanta tapos Something ng Beatles para sa Music Icon na ginawa kong bossa nova.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketGaya nung eliminations, hirap kumanta dahil mga 6:00 AM ulit, puyat at walang vocalization. Nangyari ang kinakatakutan ko na mabuti't hindi nasaksihan ng talent manager. After so many years, pumiyok ako habang pilit na iaabot ang mataas na nota ng Cabaret. Recorded pa naman (wag naman sanang i-post sa You Tube at masisira ang reputasyon ko!)

Siyempre pumiyok ako eh di hindi ako napili. Although natural sa isang singer ang pumiyok, it's a big no-no pagdating sa singing contests. Kahit ano'ng galing mo at pumiyok ka, Luz Valdez ka na. Sobra rin daw powerful ang voice ko. Hindi trip ng mga judges. Ganunpaman, gagawin daw akong voice coach ng representative.

Huwaat? Ano'ng ituturo ko sa kanya? Ang pumiyok?

P.S.

Talent manager Anna, sorry naudlot ang budding career mo as a manager. Ituloy mo na lang kay Macky.

Binalibag Ni Choleng ng 8:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com