BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, January 26, 2008
7 degrees to 26 and vise versa
7:30 ang flight namin pa-Macau pero 5:30 PM pa lang, nasa NAIA na kami ng kapatid ko, si Girlie. Kailangan daw talaga 2 hours before the flight eh nasa airport ka na. Taka ako kung bakit pero ngayon alam ko na.
Sa pagkuha pa lang ng boarding pass, pagbabayad ng terminal fee at kung anu-ano pang kuning-kuning kasama pa ang pagpila sa immigration, kulang pa nga ang dalawang oras. Photo-finish pa ang nangyari sa amin dahil nakalusot kami sa immigration 15 mins before boarding time.
5:57 PM na, nakapila pa rin para mag-check in ng bagahe
Buti na lang late ng 15 mins ang flight kaya nakapag-CR at nakatambay pa kami sa waiting area pero kung hindi, ewan ko kung ano ang nangyari.
First time kong sumakay ng eroplano kaya sobrang lamig ng kamay ko pero nang mayuming nag-take off ang airplane at makita ko ang "Manila by night" a thousand feet from the ground, nawala ang kaba ko.
Ang ganda'ng pagmasdan. Ilang milyong ilaw, tila sandamakmak na alitaptap. Parang siyudad sa Star Wars! (sayang walang picture pero alam nyo na ang tinutukoy ko!)
Picture-picture before take-off
Bandang 10 PM, lumapag ang Cebu Pacific sa Aeroporto Internacional de Macau. Naloka ako nang i-announce na ang temperature ay 7 degrees.
7 degrees??? Inangkupo, makaya kaya namin?
Cebu Pacific Flight 5J362. No picture daw. Sorry, nakalusot 'to
Medyo cramped at mainit sa airplane kaya ang malamig na simoy ng hanging Macau na sumalubong sa amin ay pagkasarap-sarap! Pagtapak ng paa sa lupa, hala, tourist mode agad ako. Kinunan ko ng picture ang airplane. May guy sa likod ko sabi, "Miss, bawal yan."
"Oops, sorry." Yun na lang nasabi ko. Sorry, nakunan ko na.
Pagdating sa immigration, nagpatuloy ang pagiging pasaway ko ng hindi sinasadya. Handicam naman ang nilabas ko. Hala, video-video. Sobrang engrossed ako di ko napansin na nilapitan na pala ako ng sikyung Chekwa. Pag-pan ng camera sa kanan, tumataginting na "No picture ... no picture ..." ang saway sa akin. (Later on, nalaman ko na di ko naman pala na-press ang record kaya hindi ko nakunan ang cute na airport security. Sayang!)
Sa loob ng wala pang 20 minuto, dalawang "sorry" agad ang nasabi ko. Hindi naman ako pasaway talaga. Hindi ko lang alam na bawal. Sorry, dugay man sa Macau.
Macau
Isang Pinoy seaman, Anthony ang name nya (nakalimutan ko na ang surname) ang sumabit sa aming magkapatid. Nag-iisa lang daw sya at walang alam na titigilan sa Macau kaya join na lang siya sa 'min sa San Va hotel kung saan meron kaming reservation.
Mula sa airport papunta sa hotel, blooper agad. Sa kasesenyas at kapapakita ng mapa sa taxi driver, nagkaayos din (yata). Lagay kami ng bagahe sa likod ng taxi tapos sakay. Si Anthony, binuksan ang kanang pinto ng taxi sa pag-aakalang yun ang passenger seat. Right hand drive nga pala sa Macau, ipinagtabuyan at pinutakan tuloy siya ng driver. Tawanan kami!
Ganda nga ng Macau. Vegas na Vegas ang dating. Casino here, there and everywhere.
One of the casinos na bubuksan pa lang
Ilang pasikot-sikot, ibinaba kami ng driver sa Rua de Felicidad. May sinabi pero di namin naintindihan (pasaway naman kasi. Alam nang foreigner kami, intsik pa nang intsik!) Inabutan namin ng $60 MOP dahil yun ang nasa metro pero tigas ng iling at itinuro yung $100 MOP na hawak ng kapatid ko. Langya, muwakaw ding tulad ng ibang taxi driver sa Pinas.
Nakakatakot ang pinagbabaan sa amin. 11:00 PM na nun (pareho natin sila ng time zone) pero deserted na agad ang eskinita. Naka-ilang paikot-ikot kami, hindi namin makita ang hotel.
Nanunuot sa buto ang lamig, hindi pa kami naghahapunan at nawawala pa kami. Wala ka namang mapagtanungan. Yung mga pokpokitang nakatambay sa tapat ng isang building, tinanong namin kung "speak English" hindi raw.
"Puno na ba?" tanong ng isang kasunod naming lalake na akala namin eh Intsik.
Hay, salamat. Finally, isang nilalang na naintindihan namin. Akala ng mama puno na ang mga hotel kaya pagala-gala kami. Tinuro nya kung saan ang San Va na nasa likuran lang pala namin.
Langyang hotel. Ganda-ganda ng picture sa website, mukhang barong-barong! Titiisin na dapat namin kaso wala raw kaming reservation ayon sa matandang lalakeng nasa counter.
Kung ilang ulit na ipinakita ng kapatid ko ang print-out ng reservation, ilang ulit ding itinuro ng matanda ang log book nya puro sulat Instik at ang tanging naiintindihan namin ay numero.
"Ching chang tung tak ..." ewan kung ano ang sinasabi. Basta itinuro ang logbook sabay sabi ng "no."
"No?" sabi ng kapatid ko.
"Ching chang tung tak ..."
"Taena mo!" sabi ng kapatid ko.
Buwisit na buwisit naming nilisan ang hotel, naglakad-lakad. Dami namang katabing hotel where we can spend the night. Problema lang kung pano magkakaintindihan.
Rue de Felicidade aka Ongpin
Nag-inquire kami sa katabing hotel. Maayos, di mukhang pang-horror at suwerteng nakakaintindi ng konting English ang nasa counter. Medyo mahal ($400 MOP) kaya sinenyasan namin ang beho na kakain muna kami. Ang totoo, maghahanap-hanap kami ng iba.
Sa karatig na Vila Universal kami napadpad. Suwerteng may nakausap kaming mga Pinoy na dun naka-check in. Medyo mura at malinis daw, sabi ng mga kabayan. Dito kami nag-check in.
Vila Universal, Cheng Peng Bldg. Dito tayo!
Kinabukasan, dahil sa language barrier disastrous ang tour of Macau namin. Gutom na kami dahil di kami nakapag-dinner ng maayos the previous night. Gusto sana naming mag-breakfast pero wala kaming makainan. Ang signage, Chinese saka Portuguese lang. (Naging Portuguese colony kse ang Macau)
May pinasukan kaming kapehan pero kape lang ang na-order namin. Bakit kamo? Eto ang menu:
Tsa-a na lang po!
Kumusta ka naman!
Nalibot pa rin naman namin ang Macau kahit papaano. Layo ng nilakad namin papuntang Macau Tower! Di kami makapag-bus kasi hindi namin alam kung sapat yung $HKD 5 na sinukli kay Girlie. Wala naman kaming makitang taxi. Pabor na rin ang nangyari dahil nagalugad namin ang siyudad pero sakit sa paa. Salamat sa nagkalat na mga Pinoy, hindi kami gaanong nawala.
What an adventure!
Okay ang mga bus dito sa Macau, may bus number sa kada ruta. Walang suwapang na driver na ginagawang terminal ang bawa't kanto at umaandar ang bus kahit di puno. (Bayani Fernando, check this out!)
Bus ... $2.50 MOP pamasahe, malayo-malapit
Avenida overlooking the casinos
Macau Tower (bungee jump daw kami, ano ko sira???)
Lunch time, problema na naman. Wala kaming makitang McDo o Jollibee. Yung pinasukan naming kainan, buti na lang may picture at number yung menu, nakuha sa turo-turo. Medyo nakakaintindi din ng English yung may-ari (salamat naman!)
Lunch?
Pagkakain, bumalik lang kami sa Vila para mag-freshen up tapos larga ulit. Senado square naman kami napadpad. Langya, lahat yata ng tao ng Macau nandito pag Linggo!
Lost?
Santa Casa de Misericordia
Eto naman pala ang McDo!
Eto naman ang CR ng Mcdo. Eeeew!
Di ako nawawala!
Ruins of St. Paul
4 PM sakay na kami ng First Ferry pa-Hong Kong. Sa 29 na ulit ang balik namin ng Macau, pauwi ng Pinas.
Hong Kong
Mas trip ko dito kase walang gaanong language barrier. Hirap man sa English ang tao, at least nakakaintindi. Medyo natagalan nga lang ako sa immigration. Ewan, pinagdudahan yata ako dahil ngiti ako nang ngiti. Inusisa ako ng gago:
"How long do you plan to stay here?"
"We'll be here till the 29th. We have to return to Macau for a flight back home by the 29th."
Where are you going to stay?
Sister ko ang nag-book kaya hindi ko alam. Hindi ako agad nakasagot.
"May I have your eh tickets."
Di ko siya gaanong naintindihan. "I'm sorry ..."
"Eh tickets ... did I pronounce it correctly?" Ah, AIR TICKETS!
"Yes," sabi ko.
"Why can't you understand?" (accent mo k'se!)
"My boarding pass is there," pangangatwiran ko sabay turo sa passport.
"I'm asking for the eh tickets."
Suya! Wala nga sa akin eh. Tinawag ko pa ang kapatid ko na nakalusot sa immigration ng walang kaabot-abog. Hiningi ko ang "eh ticket."
Inabot ko sa officer. Di pa rin ako tinantanan.
"What is your job in the Philippines?"
"Call center agent," sabi ko with accent on "sen-er."
"I'm sorry?" Siya naman ang di nakaintindi sa akin.
"KOL SENTER EYGENT," sabi ko.
Tila naalarma yung katabing immigration officer. Parang tinanong kung may problema dahil pinalusot naman nya agad ang kapatid ko. Siguro sinabi ng officer ko na okay na (o sinabi nyang antipatika ako) tinatakan ang passport ko.
"Mukha ka kasing DH," sabi ni Larry, ka-choir ko at nagwo-work ngayon sa HK, sumundo sa amin sa First Ferry Terminal sa Tsim Tsa Shui. (siya yang kasama ko sa picture. Mabait yan pero ang lakas lang mang-asar. Salamat ha!)
Entry lang naman sa Hong Kong kami medyo may aberya pero pagkatapos nun, enjoy na. Hindi na kami tumigil sa Chungking Mansion sa Nathan Road kung saan nagpa-reserve ang kapatid ko dahil mukhang condemned na ang building at sabi nga ni Larry, may libreng "aroma therapy" dahil puro Arabo at Bumbay ang nakatigil. (no offense meant sa kanila ha!)
Sa tulong ng Ate Nory (pinsang-buo ng Daddy ko, sa HK din nagwo-work) at pinsan naming si Homer, sa Southern Guest House kami natigil. 5/F Lucky House Building, Parkes St., same building ng pinsang-buo ng Daddy ko, si Tito Boyet (tatay ni Homer), na Hongkong resident na.
Girlie with Tito Boyet and Larry
Walang sinayang na sandali! Ibinaba lang namin ni Girlie ang gamit sa guest house at iginala na agad kami ng mga "HK residents" sa Kowloon. Matapos naming kumain ng noodle sa mamihan na ni walang tubig at tissue, sa Jordan Night Market kami dinala.
T: Parkes St. (2 day haybol) B: Mamihan na walang tissue at tubig
Nakapamili rin kami ng ilang pasalubong. Pagdating namin sa guest house, sa sobrang pagod borlog ako agad. Hindi uso ang "namamahay" sa akin, sarap ng tulog ko.
Day 1: Kowloon and Disneyland
Kahit late na kami nakauwi, 8 AM pa lang kinabukasan, bihis na kami para sa tour of Kowloon. First stop, Kowloon Park, karay-karay si Homer.
Breakfast muna at McDo bago rumampa with Cousin Homer
Coffee Creamer ng Mcdo
Kowloon Park
Kowloon Park Maze
Hong Kong Harbor
Avenue of Stars ... Jackie Chan rules!
Yes, gaguhin natin ang statue, Homer!
Mga best actress ... o Sisa?
Bruce Lee wannabe's
Lunch lang kami sa KFC (talagang mga kilala lang ang kinakainan namin huh!) tapos tuloy na kami sa Disneyland. Di na namin kinaray si Homer at wala kaming pambayad para sa kanya ... hehehe.
Salamat sa mapa ni Larry, hindi kami nawala. Sinunod namin ang color coding ng MTR (ito yung MRT nila), pagbaba namin ng Sunny Bay Station, lipat lang sa kabila at Disney Train na. Halos nasa dulo na ng HK ang Disney pero salamat sa makabago at advanced nilang mode of transportation, wala pang isang oras nasa "Mickey"land ka na.
Disney Train
Here at last! Dream come true ito!!!
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nang makita ko ang "Mickey" fountain at marinig ang orchestrated na medley ng Disney theme songs, naiyak ako. Siguro dahil nakalakihan ko na si Mickey at dream-come-true ang pagtapak ko sa Disney o dahil sobrang hilig ko sa Disney theme songs ... ewan! Nakakahiya pero naiyak talaga ako!
Mickey Fountain, Night and Day
May date sina Mickey and Minnie kaya Pluto-Goofy na lang
Buzz Lightyear's realm
Everyday, everyday the magic is here! Ehek!
6:45, nilisan namin ang Disneyland. Bitin pero no choice. Kailangan naming makabalik sa Kowloon para sa gig ng Tito Boyet sa Ritz Carlton Hotel. Nag-take out na lang kami ng dinner sa Mcdo (na naman!) pero nag-text si Homer na sa kanila na kumain. Nakalimutan namin ang Mcdo nang makita ang ulam.
Sinigang na buto-buto at mainit-init na Thai rice! ... may Barrio Fiesta bagoong pa ... Heaveeeen!!! Nakadalawang rice yata ako!
Mga 8:15, nagbihis kami para sa gig. Mag-barge daw kami sabi ni Homer pero ayaw ni ni Tito dahil sa sobrang lamig. Mag-MTR daw kami para mabilis pero dahil mahilig kami sa adventure, nag-barge kami. 10 degrees yata ang temperature. Lamiiiig!
Sulit naman ang barge dahil nakita namin ang HK by night. Sight-seeing na rin kami habang naglalakad.
IFC Tower, Tallest Building in HK
Sobrang enjoy kami sa gig ng Tito Boyet. 3 piece band lang sila -- piano, bajo de arko (or bass violin or cello) at singer. Nagulat kami dahil trumpet ang alam naming hawak ng tito, di namin alam na nagba-bajo de arko pala siya ... at kumakanta pa ala-Frank Sinatra!
Glenda on vocals, Tito Boyet on cello
Day 2 : Ocean Park
Tila hindi kami nauubusan ng lakas. Victoria's Peak sana ang una naming pupuntahan pero dahil sa fog, di na lang namin tinuloy. Pagka-breakfast sa Mcdo (yes, McDo ulit!) Dumiretso na kami sa Ocean Park.
Talking about McDo, sa ilang araw din naming pagkain dito, nalaman namin na dito, "dine in" ay "stay here" at "take out" ay "to go." Ayos!
Okay, back to Ocean Park. Mas madaling pumunta dito. MTR lang hanggang Admiralty Station, pagbaba, Citybus na! Diretso na yun sa theme park.
Citybus to Ocean Park
Sige, Choleng. Talon!
Ang lamiiiig pala dito!
Sobrang pagod na kami (ilang araw na kaming walang pahinga) kaya cable car at Flying swing lang ang nasakyan namin pero napuntahan naman namin ang ibang place to be!
Nakangiti lang ako pero halos mamatay ako sa takot d'yan!
Ocean Park Mascot
Shark Aquarium
Talking Tree
Atoll Reef
2 PM, nilisan namin ang Ocean Park dahil kailangang makapag-check out kami sa guest house ng 4 PM, makasakay sa Ferry pa-Macau by 5 PM at nasa Macau Airport ng 8:30 PM. Kung paano namin nagawa yun, hindi ko na matandaan. Nakapag-Starbucks pa kami in-between ha. Grabe, bangenge na!
Sa Macau Airport, muli, marami kaming na-meet na Filipino. Nakakaalibadbad ang dalawang makulit na Pinay na nakiusap na i-ride ang bagahe nila sa amin (mga DH from HK) Nakita kse nilang konti lang ang dala namin, wala raw silang pambayad sa excess baggage.
Naisip ko lang, alam naman pala nilang wala silang pambayad, ba't nila sinobrahan ang bitbit nila?
Naiintindihan ko na dala ng matinding pangangailangan kaya nakaugalian na ng ilang Pinoy yan. Kapit sa patalim, ika nga pero sana, 'wag namang garapal. Huwag naman yung tila minamanduhan na kami.
"O isama nyo na yan dito ... dapat tabi-tabi tayo para madali ..."
Mabait si Girlie, pumayag sa pagmamanipula ng dalawang bruha, pero kung ako hindi noh. Eh kung may "kontrabando" pala dun, eh di damay kami?
Yung dalawang Pinay na yan, sagad sa buto ang pandurugas at panlalamang. Ba't di daw kami nagpunta ng China. Sa baba lang daw yun. Ba't daw di kami nag-shopping? Sayang. Sabi ko sa kanila, "wala kase kameng pambayad sa excess baggage!" (magparinig ba!)
Mga antipatika, ni hindi hiningi ang pangalan namin at ni hindi binigay ang pangalan nila. 'Wag ganun!
12:15 AM, lumapag kami sa NAIA. 7 degrees ng umalis kami ng Macau, sarap pakinggan yung announcement na "current temperature is 26 degrees."
Wahoooo!!!
Hay, daming experience. Daming natutunan, may kinainisan. Dami ring gastos. Hindi bale, at least sandamakmak ang tatak ng passport ko. Pogi points sa immigration officer sa susunod na biyahe ko.
More to come but still ... there's no place like home!
Binalibag Ni Choleng ng 1:38 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin