BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, April 20, 2008
Ang Bakod ni Bayani
Bihira akong magdaan sa Pateros kaya naman namangha ako nang makita kong maayos at maaliwalas ang tulay na nag-uugpong sa Pateros at Makati.
Kung dati ay mistula itong talipapa (hindi pala mistula, talipapa na talaga!) mukha na itong tulay at ang bangketang dati ay sakop na ng paninda ay nabakuran ng pamosong "pink fence."
Don't get me wrong. Hindi naman sa wala akong simpatya sa mga tindera pero sa ganang akin, may tamang lugar para sa tamang bagay at 'di ba naman magandang tingnan ang malinis at maayos?
Pero noong isang buwan pa yun.
Kaninang nagdaan ako sa tulay, back to normal ang lahat. Magulo at makalat ulit -- mukhang talipapa! -- at muling sinakop ang mga bangketa ng mga tindahan kaya ang tao, sa kalye na rin naglalakad na may halong pamimili na rin. Mas bongga ngayon. Ang "pink fence," naging bakod ng mga "puwesto." Ginawa ring sampayan at sabitan ng paninda.
Salamat kay MMDA Chairman Bayani Fernando, naging maayos ang paninda nila.
Siguro naman wala ng iaangal ang mga tindera nyan.
Binalibag Ni Choleng ng 6:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin