BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, April 19, 2008
Late Registration
Ilang buwan na naming planong magpunta sa Binangonan para asikasuhin ang birth certificate ni Mudra pero dahil sa abala'ng pare-pareho, laging naiisantabi. Natuloy din kami kanina sa awa ng Diyos. Kung hindi pa nanghinayang na 2 taon nang dapat ay pensiyonado na siya ng SSS.
Sa totoo lang, hindi naman requirement ang birth certificate sa pag-aayos ng SSS Pension pero kumuha na rin kami kung sakaling magkabulilyasuhan. Ganito kse yun. Ang magaling kong ina, dahil nahahabaan sa pangalang Guillerma, nagmahadera at Emma ang ginamit sa lahat ng legal documents nya -- SSS, BIR, Voter's ID -- name it, talagang Emma siya. Ganda ano po?
St. Ursula Church - dito bininyagan si Mudra. Dito rin sila ikinasal
Eto pa ang masaklap. Sa isla ng Pinagdilawan siya ipinanganak noong 1960 pero dahil maagang namatay ang ina at isang abalang Barangay Captain ang ama, hindi siya sigurado kung registered ang birth certificate niya o kung may birth certificate nga ba; kung bininyagan ba sya o kung Guillerma nga ang tunay nyang pangalan o kung totoo ba na June 25 nga siya ipinanganak. Gulo no?
Si Mudra habang hinihintay ang Baptismal Certificate nya
Sa awa naman ng Diyos, mula sa inaamag at gula-gulanit na talaan ng St. Ursula Church ay napatunayan namin na binyagan naman pala siya at tama naman pala ang nakagisnan nyang pangalan at birthday. Dahil wala'ng record sa Local Civil Registry, late registration na lang ang nangyari kung saan lahat ng detalye ay ibinase sa Baptismal Certificate. Salamat sa mabait na kawani ng LCR, nakuha namin agad ang birth certificate ni Mudra.
Yes, registered na si Guillerma.
Hay, hirap ng island girl!
Binalibag Ni Choleng ng 6:10 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin