BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, May 11, 2008
Dakilang Ina
Bakit natitiis ng isang babae ang pambubugbog, pambabae, pagsusugal, pag-inom at pambabalewala ng asawa? Simple lang ang sagot.
Alang-alang sa mga bata.
Ilan ang kilala kong ganyan lalo na yung maliliit pa ang mga anak. Dahil hindi nga naman mabuti sa murang isipan ng mga anak ang konsepto ng wasak na pamilya, tinitiis at sinisikmura ang abang kalagayan . Sa ganitong pagkakataon litaw na litaw ang kadakilaan ng isang ina. Kung sarili lang nila ang iisipin, napakadaling umalagwa pero nakakapagtiis dahil sa anak.
Alang-alang sa mga bata.
Minsan na rin akong naging biktima ng pambubugbog (emosyonal nga lang), pambabae, pagdodroga at pambabalewala ng asawa. Yun nga lang, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magpakita ng kadakilaan dahil sa wala naman kaming supling. Madali akong nakatakas.
Sa isang banda, mabuti rin at hindi kami nagkaanak dahil kung nagkataon, inihambalos ko sa mukha nya ang bata bago ko nilayasan. Ngek! 'Yan ang ina!
Alang-alang sa mga bata, titigilan ko na 'to.
Happy Mother's Day!
Binalibag Ni Choleng ng 6:06 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin