BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, May 02, 2008
Kapal Day
Labor day ngayon pero para sa akin, mas angkop na tawaging Kapal day.
AKIN NA LANG 'TO
Magana kaming kumakain ng pizza ni Tata sa Greenwich PhilFirst (along Ayala, katabi ng Jollibee at kahanay ng HSBC). Pareho kse kaming nag-crave sa overload nila. Paubos ko na ang kinakain kong slice at looking-forward sa huling slice nang mula sa likod ay lumapit ang isang bading na may dalang sampaguita.
"Sampaguita, ate," alok ng hitad.
"Hindi," ang mataray na sagot ni Tata.
"Akin na lang 'to," sabay turo sa natitirang pizza ng slice.
"Hindi, hindi ..." taboy ni Tata na umalis naman.
Hindi pa nakakalayo ang bakla, may sumunod na lalaking nanlilimahid. Walang inialok, diretso ang hintuturo sa pizza.
"Akin na lang to ..." sabay dutdot sa pizza.
"Huwag ..." sabi ko. Isip ko, "langya purnada ang pizza ko."
"Akin na lang 'to ... ito ... ito ..." dutdot sa pizza tuwing sasabihin ang "ito."
Nataranta ako. "Guaaaard ..." sigaw ko.
Lumapit ang crew, itinaboy ang mapangahas. Ba't siya ang lumapit, siya ba ang guard? Ah, wala palang security guard. Langya, along Ayala, walang sikyu? Dahil ba holiday? Pambihira! Greenwich Food Corp, pakisilip naman 'tong branch na ito.
Bagama't pinalitan ang slice ng pizza (at apologetic ang manager yata yun, ewan ko!), hindi ito singlaki at sing-mouth-watering ng dinutdot na pizza. Hay, madali naman akong bumigay. Kung hindi naging makapal ang kumag, malamang binigay ko pa sa kanya ang pizza.
Hay, kapal!
USAD-PAGONG
Pauwi, Guadalupe ako nagdaan tapos sumakay ng FX pa-Pateros. Mula Pateros, lumipat naman ako ng jeep Tipas. Mga limang kanto bago sa bababaan ko, naging usad-pagong ang takbo ng jeep. Dalawa na lang kaming sakay ng driver, nanunuyod ng pasahero, sa loob-loob ko.
Antok na antok ako at ang banay-banay na takbo ng jeep ay tila ipinaghehele ako kaya deadma lang pero nagising ako sa aleng katapat ko na hindi na nakatiis.
"Mama, may ibibilis pa ba 'to?"
Ang magaling na driver, imbes na sumagot ipinakiabot sa akin ang 7.50, at sinabihan ang ale sa nanggigigil na tono, "Lumipat na lang kayo. Naghahanap-buhay ako."
Ay, ang kapal ng mukha! Nandun na ko, naghahanap-buhay sya pero dapat inisip din nya ang kapakanan ng pasahero nya. Puwede namang mamasada ng hindi nakakaabala sa pasahero mo, di ba?
Iniabot ko sa tigagal na babae ang 7.50 at niyaya ko siyang bumaba. Oo, bumaba na rin ako para damayan siya kahit lugi ako ng 7.50 at baka masapak ko pa ang driver.
Mamang tsuper, ang kapal ng mukha mo! Mabangga ka sana!
UNGAL-BAKA
Ito namang si Brooke White, cry-to-death pa nang matanggal sa American Idol eh dapat nga hindi siya umabot sa Top 12.
'Neng, magaling ka pero maraming mas magaling sa 'yo. Pasalamat ka nga at umabot ka pa hanggang dyan. Uminom ka nga ng kape at ramdam ko hanggang dito sa Pilipinas ang mukha mo!
Kapal!
Binalibag Ni Choleng ng 9:42 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin