BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, June 26, 2008
Birthday Trip ni Mudra
Simple lang naman ang trip ng Mom ko pag birthday nya.
Libutin ang Mall ... maglakad mula Building A and vice versa ...
L: Malling sa Gamol R: Pa-cute na Jenny
Magmeryenda sa Chowking ... (official caterer of the oldies ... hehehe)
... at mamasyal sa Tiendesitas.
Bul-ols and pets at Tiendz
Okay sa Tiendesitas pero kung ang pakay mo lang ay mamasyal at wala ka namang bibilhing talaga, nakakainip at nakakaantok. 'Di kse aircon kaya madali kang mapapagod pero kung sadyang mahilig ka sa rampa, dito ka! Samu't-sari ang puwesto rito mula damit, make-up, sapatos, antiques pero ang main attraction, yung pet section. Ito na ang Aranque ng Metro Manila. (paging DENR!)
Okay din ang Food Court nila pero maiimbyerna ka sa mga waiters. Agawan at kada may bagong dating, kukuyugin at ipagduduldulan ang menu at promo nila. Nauunawaan ko na gusto nilang kumita pero nakakawalang-gana naman yung mga walong tao ang kakausap sa yo, bawa't isa iniaalok ang tindahan nila. Pare-pareho din namang kanin at ulam ang tinda! Haging ko nang magyayang umalis at lumipat na lang sa Dampa ang kaso, nag-set up na ang performer of the night, si Maegan Aguilar. Umorder na lang kami sa unang waiter na lumapit sa amin. (Ayun, nang maka-order na kami, tinantanan kami ng iba pang waiters!)
And the winner ... I forgot kung saang store kami um-order!
First time kong mapanood ng live si Maegan Aguilar. She's good. Ay, mali. she's very good! Enjoy na enjoy at hangang-hanga ang mga olds. Siyempre, enjoy din kami. Impressive din ang younger brother nya (forgot his name, starts with the letter "J). Ang lupit mag-lead guitar. Anong sinabi ni Ka Freddie?
The Aguilars covering Zombie ... superb!
Gusto pa sana naming panoorin ang ikatlong set kaso gabi na. Masama sa matatanda ang mapuyat saka may pasok pa kami.
Balik na lang siguro. Magbabaon na kami ng sariling caterer. Hmp!
Binalibag Ni Choleng ng 6:05 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin