<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, June 01, 2008

SATC
Shangri-la o Megamall namin target manood ng much-awaited Sex and the City pero sa Robinson's Pioneer kami nauwi dahil dito lang ang screening na tugma sa schedule ng mga movie buddies. Hindi trip ni Ed ang movie kaya kami na lang nina Jomarie, Mannix and Ligaya ang nanood.

Sulit ang paghihintay. Mahaba ang movie pero walang nakababagot na sandali.

Nakakaawa si Carrie at ewan ko ba, naiyak ako sa nangyari kina Steve at Miranda. Siguro dahil nakaka-relate ako o siguro affected ako dahil bahagi na rin ng buhay ko ang apat na hitad.

Sobrang suwerte ni Charlotte at tingin ko luka-luka si Samantha sa ginawang pakikipagkalas sa malinamnam na si Smith. Hay, once a gabi, always a gabi. Sana may Part 2.

Bongga sa Rob Pioneer, P120 na nga lang ang sine, may raffle pa. Trip to New York.


Photobucket

NY Wannabe Ligaya

Sana manalo kami!

Binalibag Ni Choleng ng 7:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com