<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Tuesday, May 27, 2008

Mula sa alapaap
Mga tao, bagay at pangyayari na hindi ko makakalimutan mula sa biyahe ng Metanoia Choir sa Bontoc at Sagada:

1. Ang Cable Tour bus na naunsiyami ako noong una dahil makitid at hindi kasing kumportable ng double-decker bus na sinakyan namin papuntang Aparri, sobrang lamig pa. Nang tahakin namin ang makikitid na daan paakyat ng Mountain Province, naunawaan ko kung bakit. Tindi ng biyahe. 8:45 PM kami umalis ng Manila, 8:45 AM kami dumating ng Bontoc. Dose oras!

Photobucket
Biyaheng Bontoc

2. Ang mala-post card na tanawin mula Ifugao hanggang Bontoc at Sagada. Ilang beses akong napanganga sa ganda!

Photobucket

3. Ang retreat house na tinigilan namin na mas kilala sa pangalang Teng-ab Pastoral Complex na sa sobrang pagka-overwhelm ko sa magandang tanawin eh nakalimutan kong ipagtanong kung ano ang ibig sabihin ng Teng-ab. Basta, Teng-ab.

Photobucket
Teng-ab Pastoral Complex

Photobucket
Clockwise: Long shot of Teng-ab from the palengke; Teng-ab corridor; Tambays; Building na tinigilan namin

4. Ang Teng-ab Chapel. Kahit hindi ka religious mapapadasal ka sa sobrang serene ng lugar.

Photobucket

5. Si Rev. Fr. Noel M. Bantiyan, Rector ng Teng-ab Pastoral Complex, Fr. Noel for short. Sing-init ng bagong kulong tubig ang pag-estima n'ya sa amin.

Photobucket
Metanoia with Fr. Noel (yung naka-gray na nakahalukipkip ... oo, priest sya)

6. Si Val na may malay. Ang magiting na pastoral worker na walang sawa sa pagtulong sa amin at siyang naging "bugaw" namin sa Bontoc. Dahil sa kanya, kung saan-saan kami nakarating.

Photobucket
Si Val at ang astig naming van. 4WD, pare!

7. Ang encounter namin with Missionaries of Charity Brothers at Rev. Fr. Martin Jäggi , Retreat Master ng Teng-ab. Tsura ng United Nations -- may Swiss, Indian, Korean, Indonesian, Chinese ... lamang siyempre ang Pinoy.

Photobucket
With Missionaries of Charity Brothers and Fr. Martin (bearded)

Photobucket
Outside the chapel

8. Ang jamming namin with the Teng-ab pastoral workers. Kinantahan muna namin sila tapos sila naman. The best ang "blessing dance" na itinuro nila sa amin. Pati si sister hataw!

Photobucket
Teng-ab pastoral peeps

Photobucket
Kodakan with the pastoral workers

9. Ang pagtunog ng kuliling bilang hudyat na kakain na. Saraaap!

Photobucket
Breakfast!

10. Ang maaliwalas na kusina ng Teng-ab at ang masasarap at nutritious na pagkain (foreigner pa ang dietician, huh). Puwedeng dito na ako tumira?

Photobucket

Photobucket

11. Ang pagrampa namin sa Bontoc at ang trekking slippers ni Pao. Havaianas yan!

Photobucket
Top to bottom: Kami palabas ng Teng-ab; Kulitan sa bangin; Ang Havaianas ni Pao.

Photobucket
View of Bontoc from Teng-ab. Beautiful!

12. Ang Bontoc Museum. Bawal kumuha ng picture sa loob kaya walang larawan ng "all-things-Bontoc." Agaw-atensiyon ang karatula ng CR sa loob ng museum. Bugan for ladies, Atan for men. Kapag gay daw, Bugatan. Nice!

Photobucket
Outdoor Pictorial: Ato, Ulog, Baboy, Bul-ol Atbp

Photobucket
Pulong-pulong sa Ato -- Ato or "council"

Photobucket
Shopping for souvenirs sa museum

Photobucket
Serenade for Sister. Wala bang discount sa souvenirs namin?

Photobucket
Kulitan sa Museum Entrance

Photobucket
Munisipyo

Photobucket
Bayan

Photobucket
Pahinga muna sa Ato. Yes, feeling council of elders lagi.

13. Ang nakakaurong ng itlog na hanging bridge na umuugoy at umiingit ang lubid sa sobrang lakas ng hangin. Kapag nalagot, rumaragasang ilog ang babagsakan mo. Sa simula lang naman pala nakakatakot. Matibay naman pala at sabi nga ni Val, kapag may inililibing sabay-sabay pa ngang nagdadadaan sa tulay. Sanayan lang.

Photobucket
57% of the choir na nagtangkang tawirin ang hanging bridge. Kudos!

14. Ang Bul-ol. Anito ang tawag ko, rice god daw sabi ni Sister pero mas bagay yatang tawaging fertility god gawa ng "kalembang."

Photobucket
Bul-ol at feeling Bul-ols

15. Ang pagdalaw namin sa panlalawigang presinto. Medyo gloomy ang atmosphere, nataon pang umuulan. Nagkaiyakan ng kinantahan namin ang mga preso.

Photobucket
Suko na po!

16. Ang 1-2-3 Pass sessions at ang mahiwagang baby powder ni Joy. Wala kseng TV sa retreat house kaya ito ang naging libangan gabi-gabi, isama na rin ang tong-its at Charade.

Photobucket
Mga taong-baby powder! Gaganda!

17. Ang Dumag-ok Falls o Big Falls ng Sagada. Mga isang oras ang trekking pababa ng bundok pero sulit naman. Ben-gay pagkatapos.

Photobucket
Trekking papuntang falls

Photobucket
Dumag-ok Falls

Photobucket
Joy with Doctora and injured French gal. Sige, ngiti kahit wasak ang binti

Photobucket
Massage session with Wish Ko Lang boy. P20 lang.

18. Ang pamosong Sagada hanging coffin. Hindi ko ma-imagine kung pano nailagak ang kabaong sa bundok. Effort!

Photobucket

19. Ang Sumaging Cave. Ito ang hindi ko talaga makakalimutan habang nabubuhay ako. Muntik na akong mag-backout nang makita ko kung gaano kadilim, katarik at kadulas ang bababaan pero mas nanaig ang takot kong maiwanang mag-isa sa entrance ng cave kaya sumama na rin ako. Worth it naman dahil ang ganda ng stalactites at stalagmites, may libreng bat shit (and weewee) pa. Sheeet!

Photobucket
Elephant and King's Curtain formation with rappel on the side

Photobucket
Alligator formation daw

Photobucket
Alligator formation nga. Tinakpan kse namin ... hehehe ...

20. Ang guide ng cave. Eksperto, strikto at English-speaking (sayang, wala siyang picture dito) Bago bumaba ng cave, he made it clear na kailangang sumunod sa instructions n'ya at bawal ang pasaway. Bawal talaga dahil isang maling kilos mo, orthopedic hospital ang bagsak mo or worst, samahan ang mga kabaong sa Echo Valley.

Photobucket
With assistant tour guide. Yes, ginawang hat ang lantern

21. Ang pagkanta namin sa Capinitan, Sabangan (Mountain Province pa rin). Ilokano ang misa, Tagalog-English ang mga kanta namin. Swak pa rin. Nangako naman si Father na hindi nya kami "ibebenta."

Photobucket
Metz after the mass


Photobucket
Our Lady of Miraculous Medal Parish

Photobucket
Ang offering - gulay at prutas ... all organic!

22. Ang "mahiwagang palikuran." Promise, dalawang bahay ang naki-CR kami, pareho ang porma. Hirap i-shoot, huh!

Photobucket
3 points!

23. Ang "nilalangaw" na bus papuntang Baguio. Literal na nilalangaw ha. Hindi ko alam kung saan ang source pero maraming langaw. Hindi naman amoy basura ang ordinary bus at lalong hindi naman kami amoy ulam!

Photobucket
"Fly" me to Baguio

24. Ang mega-fog ng Benguet. Grabe, first time kong naging kapantay ang ulap. Ale, nasa langit na ba ako???

Photobucket
Alapaap

25. Ang tatanga-tangang security guard ng Victory Liner. Tinanong ko kung saan may BPI ATM, sa SM lang daw. Hangos kami ni Joy ng SM, effort dahil paakyat tapos tinakbo naming pabalik ng Victory Liner dahil biglang umulan only to find out pagbalik na may ATM naman pala sa Victory Liner. Putsa! Nakadalawampung PI yata ako. Malulutong!

Hay, daming ala-ala, daming karanasan at pangyayari na tunay namang life-changing. Pinababalik kami ni Fr. Noel at ni Val sa December. For sure mas maraming activities at pampasakit ng kalamnan. Malamang sumama ulit ako pero tingnan muna natin.

Hanggang ngayon masakit pa ang buto-buto ko!

Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com