BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, May 12, 2008
Hay, SSS!
Mga obserbasyon, saloobin at pambabalahura na naganap sa dalawang araw na pagsama ko sa Mommy ko sa SSS Taguig para lakarin ang Retirement pension nya:
1. Matanda na nga ang Mommy ko. Ang bagal nang maglakad!
Smile muna si Mudra habang bine-verify ang record niya
2. Hanggang 40 DDR cases lang ang ina-accommodate kada araw. (DDR - Death, Disability, Retirement.) Dahil late kaming dumating nung Biyernes, binigyan na lang kami ng number para sa Lunes. Number 9!
3. In fairness, mababait ang mga empleyado dito. Nasanay k'se ako sa government employee na masusungit!
Hintay ... Hintay ...
4. Kumakanta ng Lupang Hinirang bago simulan ang lahat ng transaksiyon. (Bayang magiliw ... handa ... awit)
5. Iisa lang ang computer na ginagamit i-verify ang record ng isang miyembro. Kaya nagtatagal!
Ang guard na tagabigay ng number
6. Animan ang karaniwang tricycle sa FTI Compound. Everything P7 ang pamasahe.
7. Isa sa mga beerhouse dito ang pinagtatanghalan ni Angelica Jones (nakita ko sa karatula!)
FTI Compound
8. Walang kahirap-hirap kapag kaltasan pero kapag oras ng paniningil, pahirapan na. Lagi namang ganun eh.
9. Isang buwan bago malaman ang resulta ng application. Express!
10. Imbiyerna!
Binalibag Ni Choleng ng 6:07 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin