BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, July 13, 2008
Linggo'ng-linggo
Maganda at entertaining ang "Journey to the Center of the Earth" pero may ilan lang akong katanungan:
1. Bakit 100 degrees na ang temperatura pero mukha pa ring fresh na fresh ang mga bida?
2. Sa rurok ng pakikipagbuno ng mga bida sa mga luminous na piranhang di mo mawari, nag-ring ang satellite phone ng bata. May signal pala sa "center of the earth?" Smart kaya o Globe? Baka Globe kse naging "posible."
3. Ilang libong piye rin ang binagsakan ng mga bida nang tila iluwa sila ng Mt. Vesuvius pero ni wala man lang nabalian ng kuko sa kanila. Pano nangyari yun? Don't tell me na "shock proof" yung mandible ng dinosaur?
4. Bakit yung Icelandic accent ng bidang babae, nawala nang nawala sa katagalan ng movie?
5. Bakit ba ang dami kong tanong eh nagandahan naman ako sa movie?
Pahabol na ratsada:
Sobrang na-turn-off ako sa Manrose bus. 'Yun bang cute na cute na purple bus na patok na patok at dinudumog sa Ayala dahil malamig, comfy at may flat screen TV pa. Mantakin nyong kabago-bago eh tumirik sa Boni? Yes, ayaw kumagat ng kambiyo. Hala, baba kami at refund!
Sana sa kakarag-karag, iniipis at amoy goma'ng Del Carmen bus na lang ako sumakay.
Hmp!
*****
Sabi ng sermon ni Father Nolan, "End your bitterness ..."
Sa isip-isip ko, "Yeah, yeah, I will end him para matapos ang bitterness."
Bitter?
Binalibag Ni Choleng ng 6:33 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin