BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, August 03, 2008
AVSL
Nagpaka-jologs na naman ako.
Ang press release namin, "The Mummy" ang papanoorin pero sa totoong buhay, AVSL ... sssh ... A Very Special Love.
"Aminin mo, nag-enjoy ka," sabi ng katotong Ligaya. Oo na, nag-enjoy na hindi lang sa pelikula (click ang tambalan nila, by the way. Corny yung last part ... maglandian ba sa ulan!) kundi sa mga manonood.
Sumakit ang tiyan namin sa katatawa sa John Lloyd Cruz Fans Club na tila full force sa sinehan ala Wowowee. Aba, sa tuwing iko-close up ang idolo o dili kaya eh may moment with Sarah, tilian ang mga ungas. Kulang na lang magdala ng We Love You, John Lloyd! banner.
Amusing rin kung paano isiningit ang endorsers sa mga eksena -- ang paulit-ulit na pagpapahid ni Sarah ng Belo sa mukha habang kausap ang nanay na dyumi-jingle, ang AXN watch at Greenwich pizza ni John Lloyd at akala ko nung may sakit eh ipapakita pa ni Sarah sa camera ang pagpapainom niya ng gamot kay John Lloyd (Biogesic ... ingat!).
Dati ko pang alam na mahusay na actor si John Lloyd pero ngayon ko lang napansin ang makalaglag-salawal nyang "piercing look." Kaya naman pala halos mawarak ang tonsils ng mga fans sa kasisigaw!
O sya, manood na at nang malaman nyo ang sinasabi ko. Paminsan-minsan maganda ring mag-enjoy at manood ng hindi mo na kailangang mag-isip.
Binalibag Ni Choleng ng 7:45 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin