<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, September 18, 2008

Shooooooes-maryosep!
Hindi naman gaanong mainit gawa ng pag-ulan ng mga nakaraang araw pero pinagpawisan ako ng malapot. Eh pano, napigtal ang shoes ko. Okay lang sana kung ngumiti lang o nabali ang takong, isang Mentos lang solb na yun, pero hindi eh. Pigtal!

PhotobucketKaya pala habang naglalakad ako along Ayala terminal naramdaman kong lumuwag ang kanang shoes ko. Nang pagmasdan ko, napigtal pala ang isang strand. Buti na lang nakakabit pa ang isa kaso baka bumigay na rin anumang oras kaya isinantabi ko muna ang pagpunta sa Ace Hardware. Dali-dali akong sumakay na sa FX para agad na makauwi.

Tiyempo, adik ang driver ng nasakyan kong FX kaya 20 minutes lang, nasa Taguig na kami. Tamang-tama, pagbaba ko ng FX, may nagdaang jeep Tipas. Atat kong pinara at akmang sasampa pero laking gulat (at dismaya) nang naiwan ang kanan kong sapatos. Binalikan ko at inakalang dumulas lang sa paa ko pero hindi, napigtal na palang tuluyan.

Photobucket"Mama, sandali," sabi ko sa driver, binitbit ang pigtal na sapatos at sumampa sa jeep. Pag-upo, muli kong isinuot ... este, tinapakan ang sirang sapatos. No choice, kaysa naman paghintayin ko ang driver pati mga pasahero eh di bitbitin na lang! Kung ano ang reaksiyon ng mga nakakita, hindi ko na napansin at wala na akong pakialam. Iniisip ko kung ano ang gagawin pagbaba ng jeep. Malayo-layo rin ang bahay namin mula sa babaan.

Lalakad ako ng yapak? No way!!!

Tinext ko ang Mommy ko: Mom, pakisundo ako sa babaan. Nasira ang shoes ko, maglalakad ako ng yapak pauwi. Nandito na ko sa munisipyo. Laking pasasalamat ko ng sumagot agad ang Mom ko: Coming.

PhotobucketAt kailangan ko na ngang bumaba. Kalbaryo at kahihiyan ulit pero wala na akong pakialam. "Ma, Para!"

Tulad ng ginawa sa pagsakay, binitbit ko ng kanan kong sapatos at walang anumang bumaba. Kaliwang sapatos lang ang suot at angat ang kanang-paang kinawayan ko si Mudra na agad namang lumapit sa akin at iniabot ang dalang sinelas.

Maalikabot at off-shade sa attire ko ang sinelas pero pakiramdam ko, si Oscar ang iniabot sa akin. Pang-asar, nagsimula pang pumatak ang ulan pero wala na akong pakialam. Labis-labis ang kaligayahan ko dahil hindi ako naglakad ng yapak at hindi nagkatibak ang paa ko. Malayo pa ang Mahal na Araw, noh!

Idedemanda ko ang Mario D Boro!

Trivia:

Minsan nang na-feature ni TH ang shoes ko sa blog nya. Akalain nyong isang taon na pala ang shoes ko. Kaya pala napigtal!!!



Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 6:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com