BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, December 25, 2008
Paskong Bistek
There's always a first time for everything.
Sa tinagal-tagal ko sa PS, ngayon lang ako nakaranas pumasok ng bisperas ng Pasko. Magulo pala, matao at kamalas-malasan, walang FX pa-Ayala. Napilitan tuloy akong bumaba sa Guadalupe, makiraan sa Sogo Hotel at makipagpalitan ng mukha paakyat sa overpass. 'To namang si Bayani, ba't kse pinatibag pa yung kabilang side ng overpass, siksikan tuloy. Tila naman nakikiramay ang panahon, umulan pa. Mas lalong naging mahirap mag-commute pero awa ng Diyos, may bus pa naman at nakarating ako sa office on time.
Ganito pala ang pumasok ng eve. Festive ang mood, ang daming pagkain tapos konti pa tawag. Okay na sana kaso kung kailan naman pasko saka nakakataas ng presyon ang mga kausap. Mga adik! Sa sobrang simple ng concern na sa tingin ko kayang i-solve ng apat na taong bata, iisipin mo kung bakit sila tumawag.
Heto ang sample scenario ng mga kumag na customers:
Meron daw siyang 2 set ng telepono, yung isa 4 na taon na; yung isa 6 na taon. Parehong sira. Ano raw ang gagawin nya sa telepono? (Itapon, di ba?)
Sira ang telepono ng customer at dahil in warranty, puwede nyang ibalik sa Returns Center para mapalitan. Ano raw ang gagamitin nya habang naghihintay ng kapalit? Wala siyang telepono. (Problema ko pa yun?)
Hay, nakakagigil. Paskong-pasko mga pasaway!
Binalibag Ni Choleng ng 1:54 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin