<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, January 31, 2009

Cruzmaryosep!
Photobucket

Nakita sa Puregold ng kapatid at bayaw ko ang nasira kong asawa kasama ang dalawang anak sa pagkakasala at ang kabit n'ya. Yes, dalawa na ang anak nila. Nagmamadali raw lumayo nang makita sila.

Ang Mommy ko pa ang nagalit nang ikuwento ng dalawa samantalang ako, himalang wala'ng naramdaman kundi ang masidhing kagustuhang maputol na ang ugnayan namin at mabunot na ang Cruz na nakapako sa akin.

Legally, asawa ko pa rin ang kumag at kung hindi ako aaksiyon, baka makinabang pa siya sa mga benefits ko. Oo, siya ang makikinabang and not the other way around dahil wala namang akong mapapala sa kanya. Alam ko dahil wala siyang TIN kundi TAN ('di ko natapos ayusin) at ni hindi siya naka-36 contributions sa SSS bago maging bum.

Kailangang maputol ang koneksiyon.

Maglilimang-taon na mula ng lumayas ako sa Bambang at sa totoo lang, nakalimutan ko na ang lahat ng pasakit at sama ng loob na idinulot nya. Sa tingin ko kaya ko ng harapin emotionally ang lahat pero isa lang ang problema -- hindi ko kaya financially.

Matagal nang iminungkahi ng kaibigan kong lawyer na hindi naman kailangang annulment ang isampa ko kundi pakikiapid. Mas matindi raw yun dahil hindi na ako gaanong gagastos, mapapawalang-bisa ang kasal namin at kalaboso pa ang bagsak ng mga ungas pero ayoko namang mabulabog ang payapa kong daigdig at gawing tambayan ang korte na paniguradong mangyayari kapag naghabla ako.

Dati 'yun. Handa na ako ngayong lumaban, ang bulsa ko lang ang hindi. Patulan kaya ng PAO ang kaso ko?

Pautang naman!

Binalibag Ni Choleng ng 7:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com