BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, January 11, 2009
Idolatry man
Iniba ang ruta ng prusisyon ng
Mahal na Poong Nazareno para iwasan ang pagkakasakitan at kamatayang taon-tao'ng nangyayari gawa ng sobrang kapal ng tao at stampede sa kagustuhang makalapit o kung hindi man, makahawak man lang sa lubid na nakakabit sa karo o makapagbato ng bimpo para ipunas sa milagrosong Senor.
Maganda'ng hangarin subali't lalo'ng napasama dahil lalong nagtagal ang prusisyon at mas lalong maraming nasaktan, salamat sa mga pasaway na iginiya ang prusisyon sa dating ruta.
Sa mata ng mga hindi kapanalig at hindi sarado-kandadong katoliko at maopinyong tao'ng tulad ko, ang tawag sa ikinikilos ng mga deboto ay idolatry, fanaticism o extreme devotion subali't hindi rin maitatanggi na kung wala ang matinding debosyon nila, wala rin tayong tradisyong matatawag.
Samakatuwid, ipagpatuloy lang ang tradisyon at huwag nang subukin pang baguhin o pakialaman ang nakaugalian na. Mahirap banggain ang tradisyon. Kumbaga sa libag, mahirap nang tungkabin.
Binalibag Ni Choleng ng 6:29 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin