<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, December 28, 2008

Pahabol na Christmas Party 2
Madaling-araw na ako nakauwi mula sa KOC party pero gumising pa rin ako ng maaga para magluto. No choice, ako ang nakatoka sa kusina kapag Sunday. Makakain, nagkukumahog akong umalis para tumingin ng outfit para sa kakantahan kong kasal sa Tuesday tapos diretso na sa mass ng Metanoia at 6:30.

Pagkatapos ng mass, bumiyahe na ang choir para sa Christmas party sa haybol nina Pao and Richard sa Angono. Naunang umalis sina Emil para kunin ang pagkain; kay Lani sumakay sina Pao and Conrad, samantalang sa rumaragasang FX ni Richard kami sumabay ni Joy.

Naunang dumating sa venue ang tropa nina Lani, sumunod kami at huli ang pangkat nina Emil, dala ang life of the party .... fooood!!! Hindi naman masyadong halata'ng gutom na kami dahil pagkalapag ng bilao ng pancit, tinapay at barbeque, attack agad ang tropa. Wala nang patumpik-tumpik pa! Besides, may work pa ang host (si Pao) kaya dapat rush ang party.

Hindi pa nakakababa ang kinain namin, sinimulan na ang Kepkep Pudey -- para ring Hep hep Hooray, ang kaibahan nga lang ang Hep-hep ay sa baba (as in down there) at ang Pudey ay sa dyoga ... este, dibdib pala. 2 divisions, si Lea ang nanalo sa girls, si Philip naman sa boys. (puro Lim ah?)

After the game, ang walang-kamatayang gift grabbing naman. Dating gawi, para makapagbukas ng gift, kailangang uminom ng mapait na alak at pag naagawan, may option na mang-grab ng ibang gift o magbukas uli pero kailangang uminom, dalawang beses lang puwedeng ma-grab ang gift. Kung last year si Che ang napuruhan, this year ako ang balagoong. As in limang beses akong naagawan ng gift nakalimutan ko na kung ilang beses akong uminom!

By 12 midnight pack-up na. Kawawang Lani, mag-isa'ng umuwi, sa van nina Emil sumakay ang lahat dahil out of the way kay Lani. Grabe, tinamaan ako sa 5 shots ng ewan ko kung ano yun. Di bale, worth it naman dahil ang final kong gift, isang sowsyal na lalagyan ng oil and vinegar.

Hanggang sa susunod na pasko. Hik!

Pics:

Photobucket

Busog na!

Photobucket

Kepkep, pudey! ...

Photobucket

... Kepkep, wala ... este, waley!!!

Photobucket

Gift-opener -- The wine


Binalibag Ni Choleng ng 7:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com