<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, January 16, 2009

Galit kayo? Galit din ako!


Matanda, baldado, retirado o o dili kaya tarantado ... este, autistic at mga walang magawa sa buhay ang karaniwang tumatawag sa Bistek at kung hindi ka matatag-tatag, iiyak ka talaga sa galit na siyang nangyari sa akin noong isang linggo lang.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ko kakayanin ang ganitong buhay. Araw-araw na puyat at galit, malamang ospital ang lagpak ko pero nitong mga nakaraang araw, unti-unting nawala ang pagkaasar ko bagkus napalitan ng amusement. Sanayan lang pala at nasa paraan ng pagdadala ang ikabibigat ng lahat.

Ngayong nahimasmasan na ako, share ko lang sa inyo ang ilan sa mga ikinagalit ko (Tingnan natin ang tatag n'yo!) 'Nga pala, English ang usapan dito, tinagalog ko na lang para huwag namang dumugo ang ilong ko sa pagkukuwento.

Si Kups

Basura raw yung nabili nyang phone sa Walmart, humihingi ng refund. Gusto ko'ng tanungin, "Eh di ba ikaw ang bumili?" Lampas na ng 45 days para i-refund, sabi ko eligible na lang siya for replacement, ibalik na lang sa Returns Center, 14 days after matatanggap nila ang kapalit. Pumayag pero ang gustong ipalit, mas mura sa phone nya. Sabi ko ang puwede lang ipalit, yung kapareho ng 'bulok' n'yang phone o kaya comparable model. Hindi, yun daw cheap na phone ang gusto nyang kapalit at kailangan daw ibalik sa kanya ang price difference eh di ba kasasabi ko lang na di na sya puwedeng mag-refund? Ikaw na kaya dito?

Si Nini

14 days after n'yang isoli ang sirang phone, matatanggap n'ya ang kapalit, paliwanag ko kay Nini. Ano raw phone ang gagamitin nya habang naghihintay. Problema ko pa ba yun? Lagyan mo ng pisi ang lata ng gatas, yun puwedeng gamitin 'yun!

Ang Imbalido

Hindi na-process ang order na battery k'se walang walang credit card si customer. Nagalit at kailangang i-process daw ang order nya dahil dalawampung taon na siya sa AT&T, i-charge na lang sa phone bill nya dahil imbalido daw siya. May koneksiyon?

OC ako!

Puti daw ang phone nya, bakit itim ang line cord. Bigyan daw siya ng puti kundi isosoli nya ang telepono. Ah, Ma'am. Itim lang po ang kulay ng line cord namin.

Brat ako!

Out of stock ang wallmount bracket. Eto yung piyesa para maisabit ang phone sa pader. 'Di naman essential ang part dahil gagana naman ang phone kahit di ikabit sa pader ang kaso gusto nyang nakasabit sa pader. Galit na galit! Ma'am, cellphone lace, puwede?

Brat din ako!

Kulang ng AC Adapter ang nabiling telepono ni Brat. Out of stock naman sa amin kaya di ko na-process. Sabi ko, ibalik na lang n'ya dahil kahapon lang naman binili. Ayaw daw nya'ng bumalik dahil malayo. I-process ko raw. Eh di ba sabi ko nga out of stock?

Feeling techy

Di marunong um-order ng phone sa website si lola. Tinanong ko kung may kasama siya sa bahay para dun ko na lang ibigay ang instruction. May apo raw siya pero busy, sa kanya ko na lang daw sabihin, isusulat nya. Matiyaga at dahan-dahan kong itinuro, step by step, page per page ng website. Matapos kong ipaliwanag, sabi ko patulong sa apo nya, sundin lang yung binigay kong instruction. Sabi ni lola, "What instruction?" Sabi ko, "yung sinabi ko ko sa inyo..." "Pakiulit," sabi ni lola. Patay tayo dyan!

More to come. Ikuwento ko, promise!

Binalibag Ni Choleng ng 9:03 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com