<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, February 08, 2009

Air Pollution


Hindi ko alam kung ano ang nakain ko pero mula pa kagabi hanggang kanina, panay ang release ko ng "masamang hangin." Mabuti na lang at wala ako'ng pasok pero kawawa talaga ang mga kasama ko sa bahay na nagsisipanabog sa tuwing magpapa-"singaw" ako.

O, 'wag isiping bastos ako at walang modo. Lumalayo naman ako sa tuwing magpapabuga ako pero sadyang "potent" at "volatile," abot pa rin sa kanila ang "aroma." Problema, may misa ako ng 6:30 pero no choice, kailangang um-attend.

Kamalas-malasang malas, anim lang k'meng kumanta sa misa, di daw puwede yung dalawang pares kong ka-choir. Nakup! Halatang-halata kung sino ang salarin 'pag nagkataon!

Awa naman ng Diyos, magmula ng tumapak ako sa Megamall hanggang ngayong makauwi na ako ng bahay, hindi na ako "nagpabuga."

Nakuha sa panalangin ... malakas talaga ako kay Lord.

P.S.

Isang babae ang lumapit kay Conrad, piyanista namin, pagkatapos ng misa. Balik-bayan pala from Canada at akala, "recording" yung kumakanta sa misa at nang malamang kami, di napigilang lumapit para ihayag ang paghanga. Keep up the good work daw.

Partida, manang, 6 pa lang kme nyan ... at may Pinatubo pa sa tiyan ko!

Binalibag Ni Choleng ng 6:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com