<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, February 11, 2009

Kailangan Pa Bang I-Memorize 'Yan?
Nagpuputak ang Mommy ko pagdating ko sa bahay. Tinanong ko kung ano ang ipinagpuputok ng butse, nainis pala sa sinabi ni Nicole Hyala, yung paborito nilang tila-amplifier ang bungangang DJ na kapingga ni Chris Tsuper sa Love Radio.

Nagsalita daw ang Nicole ng parang ganito ... "nag-aral ng matagal tapos sa call center "lang" ang bagsak!"

Aba, Nicole, baka hindi mo alam ang sinasabi mo. 'Wag maliitin ang pagtatrabaho sa call center dahil hindi lahat puwedeng makakapasok dito at isa pa, sobrang demanding ng trabaho'ng ito, hindi puwedeng basta-basta lang ang pinag-aralan dahil utak at abilidad ang gamit dito.

Kung makapagsalita ... subukan mo kaya'ng magtrabaho sa call center, tingnan natin kung makabungisngis ka pa!

Hindi na raw makikinig ang Mommy ko sa Love Radio kahit kailan ... Asus!

Binalibag Ni Choleng ng 7:25 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com