<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, April 05, 2009

Domingo de Kulit
Photobucket

Maliligo ang Mama ni Jenny, pinabantayan muna sa akin. Kung anu-ano ang napag-usapan namin ng matabil na bata hanggang nauwi sa namayapa kong Lola. Sino daw si Yayang. Sabi ko, lola ko, di na n'ya naabutan k'se wala pa siya nun.

Jenny: Hindi pa ko ginagawa?

Choleng: Oo (Salamat, pinadali nya ang pagpapaliwanag ko).

Nawindang ako sa follow-up question:

Jenny: Eh paano ako ginawa?

Patay tayo d'yan! Nag-isip akong mabuti, kailangan maayos ang isagot ko at kung sablay, lagot!

Choleng: Galing ka sa egg cell ... (Hanep, mala-In the Womb ng National Geographic!)

Jenny: Weeh ... 'di naman ako penguin eh!

Choleng: Eto na lang (bawi ko), sabihin mo sa mama mo, Si Jenny, nabuo dahil nagsama ang egg at sperm cell.

Jenny: (Nagkamot ng ulo) Eh hindi ko kaya 'yan ... , ikaw na lang ang magsabi sa mama ko!

*****

Di pa rin bumabalik ang Mama ni Jenny, tumambay kami sa terrace. Mga nagdadaang eroplano naman ang napansin. (Daanan ng pa-landing na international flight ang lugar namin)

J: Saan pupunta ang airplane?

C: Sa airport ... yung pinuntahan natin dati, nung hinatid nyo kme ng Tita Girlie?

J: Eh saan kayo sumakay pauwi?

C: Sa taxi.

J: Eh ba't hindi n'yo na lang pinapunta dito yung eroplano ... sana pumara ka na lang ...

Kaloka!

Binalibag Ni Choleng ng 7:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com