<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, March 18, 2009

KuwenThai
Mga 'di malilimutan mula sa paglamyerda sa Bangkok, Thailand:


Photobucket

1. NAIA Terminal 3 - Memorable dahil first time kong makatapak dito. So ito pala yung controversial na airport na marami raw kupit ang gobyerno. Maganda pero mas maluwag ang seguridad kumpara sa lumang airport.

Photobucket

2. Flight 9J31 and 9J32 - Second time ko sa CebuPac. Wala pa ring kakupas-kupas ang smooth as silk na take-off at landing pati na rin ang walang kamatayang paglalako ng cup noodle, C2 at Chippy.

Photobucket

3. Aerial View ng Manila by night - Pangalawang beses ko nang napagmasdan pero ganun pa rin ang feeling. Pakiramdam ko nakatingin ako sa isang Star Wars village. Gusto kong maiyak.

Photobucket


4. Chicken Joy meal sa ere - Deadma kung nag-aalok ng produktong URC at CFC ang mga flight attendants. Basta k'me ni Girlie, ganado sa paglapa ng manok at spaghetti. Happy meal!

Photobucket

5. Ang mahiwagang Cheese Rings - Hindi na nga bumili ng snacks sa CebuPac, muntik pang magpaputok ng sitsiria. Tama ba namang baunin ng utol ko sa ere. Hay, Row 5 sa Physics.

Photobucket

6. Bangkok by night - Pare-pareho lang pala ang hitsura kapag aerial view. Kakaiba nga lang ang buwan nila, mamula-mula, parang may sore eyes. Naisip ko tuloy baka may lunar eclipse.

Photobucket

7. Ang Suvarnabhumi Airport - Nabonggahan na ako sa Terminal 3 natin pero nagmukhang bodega sa ganda ng paliparan nila. Mala-Dubai raw, sabi ng mga well-travelled kong kasama. Namangha ako paglabas ng airport. Ang mga taxi drivers ang nakapila, hindi yung sasakyan. Mga disiplinado di tulad ng mga mwakaw na drivers sa airport natin.

PhotobucketPhotobucket

8. Churning of the Milk Ocean - Strategic ang puwesto ng mga rebulto -- nasa daanan papuntang departure. Kapalit ng paghanga, may donation box sa tapat ni Vishnu para sa maintenance ng airport. Sad to say, 20 baht na lang ang nasa wallet ko, hindi puwedeng gastusin, pandagdag sa currency collection ko. Humanga ako, puwede na siguro yun.

Photobucket9. Quest for money changers - Inakala namin ng kapatid kong si Girlie na hindi kami magkakaproblema dito sa palitan ng pera dahil Asian country din naman ('di k'me nagkaproblema sa Macau at HK) pero nagkamali k'me. Sa airport lang may nagpapalit, lugi pa dahil ang P3,000, halos 1,500 baht na lang kapalit eh halos dikit lang naman ang pera nila sa atin. Sa Bangkok proper naman, ang paghahanap ng money changer na nagpapalit ng PHP ay tila paghahanap ng karayom sa isang bunton ng dayami. Buti na lang, may na-withdraw pa'ng 6,000 baht ang utol ko sa ATM nya na siyang pinagkasya namin sa loob ng 2 araw. Ganda ko, nadala ko ang SM Advantage, Suki at Maxicare card pero ni isang ATM wala akong bitbit! Balewala ang dala kong limpak-limpak na Philippine peso, wala namang mapalitan. Di tuloy k'me masyadong nakapag-shopping at nakapasok sa mga attractions ... kung kelan pa naman mura ang paninda! Bandang huli, pati ringgit collection ni Girlie naipapalit na magkaroon lang ng pambili ng pasalubong (ganun k'me naging ka-poor. Hindi naman lahat ng establishment, tumatanggap ng credit card) Moral of the story: Ipalit na agad sa U.S. dollar ang peso bago pa man lumabas ng bansa.

Photobucket

10. Bansabai Hostel - Dito kami tumigil sa loob ng 2 araw at gabi. Bagama't malayo sa sentro ng Bangkok, reasonable na rin ang 320 BHT per day dahil malinis naman, mababait ang mga employees at malapit sa airport. Kung sa Pinas, maglalaro siguro sa P1,500-2000 ang presyo ng kuwartong tinigilan namin.

Photobucket

11. Si Pra Sang Tong - Hindi n'ya tunay na pangalan. Siya ang taxi driver namin mula airport hanggang Bansabai at nag-alok na i-city tour k'me sa halagang 2,500 baht, maghapon na yun. Good deal. Nose bleed nga lang ang pakikipag-usap k'se kinakain lahat ng sinasabi. Nag-e-English na pala, kala namin nagta-Thai pa rin. Mabait naman.

Photobucket

Photobucket

11. Floating Market - Sabi namin kay Pra Sang Tong nang sunduin k'me sa Bansabai, dalhin muna kme sa may ATM at McDo, sukat ba namang ideretso kme dito. Halos dalawang oras ang byahe, pagdating namin 1,000 BHT per head ang bayad. Kahit kapos sa budget, sa sobrang pagod at gutom, kinagat na rin namin. Sa mga mga paninda'ng nasa bangka lang ako nag-amaze at sa mga wats pero hindi sa view k'se nakita ko na 'to nung nagbaha sa amin.

Photobucket

Photobucket

Ang pagoda at ang sandamakmak na "isda" nito

Photobucket

Photobucket
Photobucket

12. Wats o Temples - Kung sa Pinas basketball court at tambay bawa't kanto, templo at pagoda naman dito. Exciting nung unang pasok ko sa templo pero bandang huli, naumay at nirayuma nga ako sa kahuhubad-suot ng rubber shoes. (Bawal pumasok kapag may sapin sa paa)

Photobucket

13. Grand Palace - Dito dating nakatira ang hari ng Thailand pero tourist spot na lang ngayon. 350 BHT ang entrance, libre kapag native. Na-tempt k'meng magpanggap na Thai para tipid pero nagkasya na lang k'meng magpa-picture sa entrance. Short na sa budget and besides, umay na umay na kme sa pagoda.

Photobucket

14. Buddist monk - Dati sa National Geographic at pelikula ko lang sila nakikita. Dito gagala-gala lang sila. Orig!

Photobucket

15. Ang mga kalapati sa tapat ng Grand Palace - Warning lang po sa mapapagawi dito. 'Pag nakakita kayo ng laksa-laksang kalapati, 'wag lapitan o kung lapitan man, 'wag n'yong tatanggapin ang iaabot na patuka ng matabang babae.

ISA ITONG PATIBONG!!!

Sasamantalahin ng babae'ng nakakatakot ang mata ang pagkakatuwaan n'yo, aabutan ka ng isang dakot na mais na nakalagay sa plastic at pagkatapos, sapilitan kang sisingilin ng 150 BHT. Okay lang namang magbayad pero over ang 150 para sa isang dakot na mais. Yung kapatid ko nga, sinabi'ng wala siyang baht, Philippine peso lang, aba, kahit daw yun. Binigyan na ng P200, aba pati ako sinisingil eh dakilang photographer lang naman ako. Tsk, tsk, ito ang klase ng mga tao na panira ng imahe ng Bangkok! Sana hulihin siya ng mga parak at ipaanod sa Chao Praya!

Photobucket

16. Ang tuktuk driver - Kahanga-hanga, naka-uniform ang mga tuktuk driver with matching name plate at bongga ang driver namin, may lahi yatang Pinoy dahil isinakay k'me kahit paubos na pala ang gasolina (nagtulak tuloy si Girlie), kaskasero rin at lusot nang lusot. May pagka-scammer din dahil dadalhin daw n'ya k'me sa 5 tourist spots sa halagang 20 BHT, 3 dun sa lima puro bilihan ng alahas eh wala na nga k'meng pera!!!

"Good for you..." yan ang paborito n'yang sabihin. Oo, good for you kaya nabola n'ya k'me na muling mag-boat ride sa halagang 600 BHT per head para sa "tour of Chao Praya" daw. Awa ng Diyos, eksenang baha na naman ang nakita namin at ang masaklap pa, nang dumaong ang bangka malapit sa Grand Palace, k'me pa ang nagbayad ng "dock fee." Well, well, well ... nagkalat ang scammers. Sana ipinang-Thai massage na lang namin ang 600 BHT, nasarapan pa kme!

Photobucket

17. Ang mga taxi - Red, orange, yellow, green, blue, violet, pink -- yan ang kulay ng mga taxi at puro mga bago. Hindi sila mahilig sa kulay.

Photobucket

18. Si Ronald McDonald - Kung sa atin, nakahilata si Ronald, dito magkadaop ang palad. Sinisimbolo ba ni Ronald ang ugali ng bansang tinitigilan nya? Ganun, tamad tayo o sadyang lang mahilig i-enjoy ang buhay?

Photobucket

19. Joy Ride sa Lat Prao - Tuwing 9:30 ng umaga, may libreng sakay ang Bansabai palabas ng hostel. Malas ng mga puti, kami ang nakasabay nila. Ingay-ingay ng kuwentuhan namin in Tagalog, sila English. Naiintindihan namin sila, kame hindi. Weeeh ...

Photobucket

20. Thai Cuisine - Mura lang ang food, masarap pa. Para ring luto sa atin, galit nga lang sila sa sili. Naloka k'me sa KFC. Isa lang ang rice meal, 2 pcs. spicy chicken wings at super anghang na sinangag. Wooooh!!!

Photobucket

21. Shopping sa Tesco - Ito ang pinakapaborito kong bahagi. Bags at 220 BHT, shirts at 65 BHT, blouses 150 BHT, duster 90 BHT, shorts 70 BHT ... sobrang mura! Kundi nga lang nakakatakot na mag-over k'me sa bagahe, baka pinuno na namin ni Girlie ang isang shopping cart. Take note, mall na ito. Mas mura siguro sa weekend market na hindi na namin nahintay pa dahil pauwi na kme.

Photobucket

22. Signboards - In fairness, maiintindihan mo ang ilan dahil may English translation at take note, tama naman ang grammar at spelling (may sablay minsan)


Photobucket

23. Ang trono - Sa airport at hostel, ordinary ang bowls pero sa karamihan ng establishments, ganito ang trono nila. Cute at hygienic, di po ba?

Photobucket


24. Ang keychain - Nakalusot na ang knapsack ko sa x-ray machine, hinabol pa ako ng inspector, binuklat ang bag ko at kinalkal ang Kikay kit ko. Bawal daw ang keychain ko na may maliit na kutsilyo sa dulo, kinumpiska. Natakot ako, akala ko iho-hold ang departure ko!

Photobucket

25. Jump for joy - Kahit saan magpunta, siyempre kailangang gawin 'to. Kahit di ganong enjoy, talon pa rin.

Next stop, Singapore. Ipon muna.

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com