BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, March 03, 2009
Bistekupo of the week
Kung ang Pinoy pasa-todo, ang ilang mga Kano walang patawad. Ang kukupal!
Ang bruha nagalit dahil mahal ang presyo ng telepono. Bakit daw kailangang ganun kamahal. Naghanap ng supervisor. Isip ko lang, pag nakausap kaya n'ya ang supervisor magiging mura ang presyo? Mamumura siya, oo!
**********
2 years ago pa binili ni Lolo ang telepono, ngayon lang binuksan. Nagalit dahil bakit daw sira. Sabi ko, nakakaapekto ang enviromental condition sa shelf life ng mga produkto, hindi raw dapat ganun. Naghanap ng supervisor. Hindi naman daw tungkol sa pera ang usapan kundi prinsipyo. Asus, defensive dahil $9.95 lang ang halaga ng telepono'ng sanhi ng panggagalaiti nya.
**********
Si Manong, humihingi ng refund sa walang kuwenta raw n'yang telepono eh out of warranty na. Dahil daw k'se sa sirang answering machine ng telepono, may na-miss na message ang asawa n'ya at hindi natanggap sa trabaho. Sabi ko, merong policy tungkol sa warranty. "I don't care about your policy. I have my own policy!" Taray!
**********
Okay pa kami noong una ni Lolo. Nabanggit ko kse na nasa 'Pinas ako (puwede naming sabihin) at natuwa ang kumag dahil nakarating na raw siya sa atin, Olongapo to be exact, noong panahon ng Vietnam war. Kasali din daw sya sa Korean War. Daming sinalihang giyera, pati ako giniyera nang sabihin kong out of warranty na ang telepono nya at 15% ang ibibigay kong discount sa kanya. 'Di raw okay ang 15%, gusto nya 50%. Astig!
**********
Kandalagot ang litid ng egoy sa galit. Talagang to the nth level ang pitch at di ko na halos maintindihan. Naligaw k'se ang package n'ya dahil mali ang address. Sabi ko, "You don't have to raise your voice. I'm trying to help you. "Listen ... you have no right to reprimand me ..." Concerned lang, Ser. Baka sumabog ang lungs n'yo sa galit.
**********
Patawa naman ...
Kulang daw yung loudness ng ringer ng phone nila para marinig ng nanay nya. Kung meron daw bang bell o ringer na puwedeng ikabit sa phone para ma-catch ang attention ng nanay nya.
Ewan ko sa inyo. More to come.
Binalibag Ni Choleng ng 10:04 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin