<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, February 20, 2009

Bistekupo of the Week
Mga Ligaw na Kaluluwa

Anak ng pitumpu't-pitong puting tupa, kandalawit ang ngala-ngala ko sa kapapaliwanag sa customer tungkol sa warranty ng phone n'ya, cellphone pala ang itinawag ng kumag. LG SHINE daw. Duh! Eto namang isa, umo-order ng ribbon para sa typewriter nya. Computer age naghahanap ng typewriter ribbon??? Heller!!!

Hmmm ..

Ano kayang problema ng mga alaga ng mga customers at nginatngat ng aso't pusa nila ang power cords ng cordless phones namin? Hindi kaya lasang Alpo o Whiskas ang kurdon namin? Hmmm ... matikman nga.

Kaya pala!

Gigil na gigil sa akin ang babae dahil wala akong ma-process na headset para sa kanya dahil out of stock.

Putak ... putak ... putak ... dapat daw merong available k'se nakalagay sa manual. Putak ... putak ... putak ... to the nth level, soprano ang pitch. Sinabihan ko na hindi naman n'ya kailangang magtaas ng boses, na sinusubukan ko s'yang tulungan ... tila natauhan ang loka, nag-sorry at ayun, lumabas ang totoo.

Hindi naman para sa kanya ang headset kundi sa walang kuwenta n'yang kinakasama na ilang araw na s'yang kinukulit na bumili. Ayun, ang ngitngit sa asawa, sa akin ibinunton. Wala raw ginawa ang lalake kundi tumambay sa garahe nila at magtelebabad. "I don't want to live here anymore!" bulalas ng babae.

Alam ko Order Processing Team (OPT) k'me, hindi Call-a-friend.

Pangmatagalan

Phase-out na yung phone ng customer, nagpapa-process ng battery sa isa sa kasamahan ko eh ni wala nga sa system namin kung ano ang battery para sa telepono n'ya. Mag-process na lang daw ng kahit na anong battery.

"What if I process a Triple A battery, will it fit your phone?" tanong 'nya. Naku, kung ako yun ang sasabihin ko, "If I process a Motolite battery, will it fit your phone?"

Ayos!

Binalibag Ni Choleng ng 10:56 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com