<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, February 21, 2009

-30- na talaga
Hindi na ako dapat sasama dahil 7 AM ang out ko tapos 11 am pa ang lunch sa Dampa, Macapagal pero nagdesisyon ako'ng sumama sa bandang huli sa tindi ng pamimilit nina Tata at Betchay. Napag-isip-isip ko rin k'se na ito na ang huling pagkakataon kong makitang sama-sama ang natitira pang 'cast' ng account na sabi nila eh pag-aari ko ang isang poste dahil naging bahagi ako ng lahat ng yugto (kay Tata ang isang poste.)

For the last time ...

Sulit naman ang paghihintay at pagpupuyat ko dahil muli kong naranasan ang walang humpay na kainan, ngawaan, kodakan at kulitan a la DR. Betchay, salamat sa hindi pagkalimot sa akin at Mevs, ibang klase ka. May future ka sa pagkokomedya (pinakamaganda ka, pag nagkataon)

Sa Lunes, bagong daigdig na ang karamihan. May suwerteng magkakasama pa rin at meron namang sawing-palad na mapapawalay; merong saglit na magpapahinga at siguro may magre-resign din pero habang may email, messenger at cellphone, sigurado akong hindi sa Dampa nagtatapos ang malalim naming ugnayan.

Binalibag Ni Choleng ng 10:08 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com