<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, September 06, 2010

It's back!
Ipa-second opinion ko raw ang E52 ko, sabi sa bahay. Sa Greenhills daw, binubuksan ang unit at may inilalagay na chemical para mawala ang corrosion. Pagbigyan ang nakararami, dinala ko ang unit hindi sa sinabi nila kundi sa Megamall lang.

Photobucket Try daw, sabi ng technician. Pag nagawa, 1,000 ang bayad, libre kapag hinde. Ilang pabalik-balik at tawag sa telepono, bagama't natuyo na ang unit at natanggal din ang kalawang, sumuko ang technician. Pullout ko na lang daw (na naman?) k'se intermittent ang power. Ay, oo, nagkaka-power pero namamatay. Ano kaya yun?

Sobrang na-miss ko ang alaga ko, napagdesisyunan kong bumili ulit. Isipin ko na lang na naagawan ako ng cellphone o dili kaya ay nanakawan ako ng 11K. Daming natatawa k'se bibili na rin lang ulit, same model pa rin at kung ano yung settings, message at ring tone, ganoong-ganoon ulit. As in parang walang nangyari. Siyang-siya!

Well, ganun talaga ang in denial. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na nasira na lang siya ng ganun. Ako na sobrang ingat. Di bale sana kung napakinabangan ko na ng medyo matagal kaso tatatlong buwan pa lang. Hay, tama na ang paliwanag ko. Promise next time hindi ko na ilalabas ang cellphone ko pag may tubig.

Masakit sa bulsa!

Binalibag Ni Choleng ng 5:35 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com