BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, November 19, 2010
Idols Elims Week 2
Excited pa naman ako dahil opening number daw ang Idols 09 at umaasang muli naming kakantahin ang Don't Stop Believin' pero dahil marami ang hindi available saka luma na raw yun, sabi ni Chie, ibang number na lang ang niluto n'ya -- mash-up ng Rhythm of the Night (El DeBarge) at 1,2,3 (Gloria Estefan and the Miami Sound Machine).Bagong-bago!!!
Okay na ako dito pero nagulantang ako nang sabihing may back-to-back duet at closing number pa (The Prayer a la Glee?)
Over!Over-exposure at kulang sa oras! -- 'yan ang sigaw ng damdamin ko pero dahil nasa program na, hindi ko na lang ibinulalas bagkus kinausap si Chie na opening number saka duet lang ang kaya ko at iminungkahi na 'wag na yung closing k'se wala nang oras mag-practice. Sa totoo lang, ayaw na nga ring sumali ni Anz dahil hindi niya alam ang mash-up songs pero napangatwiranan ko na nasa program na ang intermission numbers saka last guesting na 'to. Next week, ibang idols naman.
To cut a long story short, nakapag-practice din naman. Madali lang ang mga kanta kaya nagkahugis matapos ang dalawang sessions. First time naming nakasama nina Chie, Anz and Roel sina Kim (ka-batch namin sa Idols 09) at si Jayron, Top 2 sa Idols 08 na suwerteng pumayag palitan ang ka-idol naming si Larry na namamalat daw. Pare-parehong mahilig sa musika kaya nag-jive kaagad.
Kulang sa practice, kulang sa tulog, eto ang resulta. Maganda naman daw, sabi ng mga nakapanood pero sa tingin ko, mas maganda kung mga limang sessions pa ang practice at mas maraming microphone! Grabe, naunsiyami yung a capella intro namin tapos papasok na si Anz dahil siya ang una pero wala pang gumaganang microphone. Kaloka!
Rhythm of the Night-1,2,3 Mash-Up (parang Glee lang)
Sige, sayaw!
Sabi sa programa, duet daw nina Jas and Jayron mula sa Idols 08 pero dahil hindi available si Jas, Chie and Jayron na lang tapos kami ni Anz pero last minute, umatras sina Chie dahil hindi nila naayos ang kanta. So kami na lang ni Anz. Naghahanap kami ng silid para makapag-practice at makapagpainit ng ngala-ngala bago sumalang pero wala kaming nakita kaya ayun. Sabak ng walang warm-up. Ugh! Sabit!
Gab, na-miss namin ang power of CMaj7. Ang taas ng Minus One!!!
Hay, nakaraos na naman ng guesting. Sa isang linggo, manonood lang talaga ako ng bonggang-bongga. Lalo pa ngayong pinabalik sa competition si Ainah (T&T) dahil umatras ang isang taga-Domestic gawa ng sugatang ngala-ngala. Umaarangkada rin ang manok ng kasalukuyan kong team, ang Enterprise Partners, si JR Monton. Naaalala ko ang sariili ko sa kanya -- walang masyadong alalay at laging sariling diskarte. Dark horse din? Tingnan natin.